^

PSN Opinyon

The Recto Proposal

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Carpet Bombing. Dynamite Fishing. Sa mga nagmamasid, malinaw na nais lunurin ng Kongreso sa tsunami ng ebidensiya ang Punong Mahistrado. 100 witnesses. Kalkulado ito upang masemento sa sentimyento ng publiko ang pinalalabas na masamang imahe ni CJ Corona. Fast Break at Slam Dunk ang taktika ni Tupaz and Co. At mukha namang nagkakabisa ito sa iba – bakit pa daw pinatatagal ang paglilitis? Ano pa bang ebidensiya ng kawalanghiyaan ang kailangan (galing sa bibig ng isang dati ring Chief Justice ng bansa)?

Aba kung open court ang hinaharap ng may bola, siyem­pre fast break at slam dunk ang maganda. At siyempre masisiyahan ang mga fans ng koponang nakaiskor. Ganoon ba ang sitwasyon sa Impeachment Trial – open court ba ang hinaharap ng prosecution team?

Alam natin na ang kampo ni CJ Corona ay may ma­galing na depensa at nababantayan ng full court press ang prosecution tuwing dala nito ang bola. Madalas nga’y ni hindi kailangan sungkitin ang bola dahil kusang nabibitiwan o nagfu-fumble ang nagdi-dribble.

Sayang nga lang at, di tulad ng tunay na basketball game na may turn-over or tsansang umiskor kapag naagaw ang bola, sa Impeachment Trial – mukhang uunahin muna ang prosecution na magprisinta ng ebidensya sa lahat ng paratang bago maging pagkakataon ng Depensa. Pansamantala’y limitado sila sa pag-object. Habang nangyayari ito’y nabubuo na ang opinyon ng publiko nang hindi pa naririnig ang panig ni CJ Corona.

Dahil dito’y dapat sigurong pag-aralan ang panukala ni Senator Judge Ralph Recto na bigyang pagkakataon ang depensa na magprisinta ng kanilang panig bago tumuloy sa susunod na paratang sa Articles of impeachment.

Hindi maaring sabihin na konektado ang mga paratang sa isa’t isa dahil malinaw sa pa­takaran na dapat hiwalay ang mga akusasyon, isa sa bawat artikulo. Kaya walang mawawala kung sa pagtapos nina Tupaz sa Article 2 ay pag­­bigyan ang Depensang magprisinta bago tumuloy sa Article 3.

Buong puwersa ng pa­ma­halaan ang tangan ng prosekusyon sa pagsakdal kay CJ Corona. Ang mga panu­kala tulad nitong kay Sen. Recto ay nakapagbibigay ng sporting chance sa akusado. Kapag ipatupad ng Senado ay lalong maitataas ang antas ng katarungan at ng ating mga pro­seso at institusyon bilang isang demokrasya.

CARPET BOMBING

CHIEF JUSTICE

DYNAMITE FISHING

FAST BREAK

IMPEACHMENT TRIAL

PUNONG MAHISTRADO

SENATOR JUDGE RALPH RECTO

SHY

SLAM DUNK

TUPAZ AND CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with