^

PSN Opinyon

'BITAG ito, hindi ospital!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

BUGBOG-SARADO, basag ang mukha at sinlaki ng mga kamao ang black-eye sa magkabilang mata ng isang lalaki na lumapit sa BITAG, araw ng aming serbisyo publiko.

Dahil dito, binansagan ng BITAG ang biktima sa pangalang MARGARITO na mas matindi pa sa boxing ang kinasangkutan.

Sumbong ni Margarito, kumakalas na raw siya sa kanilang grupo na utak ng pagja-jumper sa kanilang barangay sa Balintawak, Quezon City.

Ayon kay Margarito, siya ang taga-kabit ng mga linya ng kuryenteng ikinakabit sa mga bahay-bahay.

Buwan-buwan ay nagbabayad ang kanilang mga parukyano sa kanilang grupo. Dito sila naghahati-hati ng kita.

Subalit nang magdesisyon siyang tigilan na ang pagja-jumper, pinagbubugbog siya ng kanyang mga    ka-tropa. Wala umanong nagawa ang kanilang barangay sa kanilang reklamo.

Ang kanyang hiling, katarungan. Kaya ang BITAG ikinasa na ang isang resbak laban sa mga kolokoy na butangero.

Kinabukasan, sa araw na itinakda ng aming grupo para sa isang gulpi-de-gulat na kumprontasyon sa mga inire-reklamo at sa barangay mismo, nagbago ang ihip ng hangin.

Si Margarito, umayaw sa resbak ng BITAG at ang kanyang nais na lamang daw ay maipagamot siya at mapa-ospital.

Makailang beses naming tinanong ang pobre sa kan-yang desisyon, nais ng BITAG na mabigyan ng katarungan ang walang pakundangang pambubugbog sa biktima. Bukod dito, tuldukan ang iligal na gawaing ito.

Subalit nakapagtataka ang biglang pagbaliktad ni Margarito sa aming napag-usapan. Sa huli, umamin itong kinau-sap daw siya ng kani­lang barangay admi-nistrator.

Hindi ko na inusisa    pa kung ano ang ka­nilang napag-usapan dahil hulog na sa BI­TAG kung ano ito.

Nais lamang ipaa­lala ng BITAG na sinu­mang lumapit sa aming tanggapan, hindi kami naglalaro sa aming programa. Seryoso naming sosolusyunan ang inyong sumbong sa abot ng aming makakaya.

Ang mali ay mali, ang tama ay tama. Kung ipinagkatiwala n’yo sa amin ang inyong sumbong, inaa­sahan na-ming walang aatras sa krusada at labang ito.

Para kay Margarito, hindi BITAG ang kanyang kailangan kundi ospital. Nagkamali siya ng tanggapang pinasukan.

AMING

AYON

BALINTAWAK

BITAG

BUKOD

MARGARITO

QUEZON CITY

SI MARGARITO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with