^

PSN Opinyon

Pampanga: Pugad ng mga sugalan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ABALANG-abala si Pampanga Gov. Lilia Pineda para matulungan ang mga kapuspalad na constituents niya, kabilang ang mga Aeta at iba pang katutubo. Halos tuwing weekend, umaakyat si Pineda, kasama ang police provincial director sa liblib na lugar ng Pampanga dala ang mga panustos sa pang-araw-araw na pangangaila-ngan nila. At kabilang na rito ang panustos sa pag-aaral ng mga kabataan upang maiahon sa kamangmangan.

Habang abala si Pineda, sinasamantala ng mga gambling lords at video karera operators ang sitwasyon para makapaglatag sila ng kanilang negosyo sa Pampanga. Kaya kung namamayagpag ang mga video karera, peryahan, sakla, pula’t puti at iba pa, hindi si Pineda ang dapat sisihin kundi ang mga mayors at mga hepe ng pulisya nila. Mga kabataan kasi ang nagugumon sa paglalaro ng video karera na sumisira ng pag-aaral. Sa tingin kasi ng mga kausap ko diyan sa Pampanga, naging pugad ng pasugalan ang probinsiya sa ilalim ng liderato ni Pineda. Dahil sa katotohanan na hindi naman aandar ang mga sugal-lupa kung walang blessings ng pulitiko. Get’s n’yo mga suki?

Sinabi ng mga kausap ko na nagkalat ang video karera ni alyas Paris sa Angeles City kasama na ang pasakla ni alyas Lhet. Totoo ba Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na aabot sa 1,000 ang makina ni Paris sa iyong siyudad? Si alyas Erwin naman ay nagkalat ng aabot sa 3,000 video karera sa San Fernando at 1,000 din ang kay Donya Anita sa Porac. Ang pula’t puti o 3 balls naman ni alyas Evelyn ay sa Bgy. Claro sa Angeles City din at ang ganun ding negosyo ni alyas Efren ay sa Talibastagan sa Fernando rin. Anong say kaya dito ni San Fernando Mayor Oca Rodriguez?

Mataas ang pagkakilala ko kina Mayors Pamintuan at Rodriguez subalit bakit pumayag silang maging pugad ng pasugalan ang kani-kanilang balwarte? Sa tingin ko kasi, hindi naman kinakapos sa pera ang mga pamilya nila? Kailangan pa kayang si Gov. Pineda ang pumuna rito kina Mayors Pamintuan at Rodriguez sa naglilipanang pasugalan sa lugar nila?

Kung walang political will itong sina Mayors Pamintuan at Rodriguez para ipasara itong video karera nina Paris, Erwin at Donya Anita, itong si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome kaya meron? Siyempre, hindi gagalaw itong si Central Luzon police director Chief Supt. Ed Ladao dahil “direkta’’ raw itong sina Paris, Erwin at Donya Anita sa bagman n’ya. Si Ladao ay umuugong na uupo sa CIDG dahil sa kapit n’ya kay Pres. Aquino kaya’t hindi n’ya maikumpas ang kamay na bakal n’ya laban kina Paris, Erwin at Donya Anita.

Abangan!

vuukle comment

ANGELES CITY

ANGELES CITY MAYOR EDGARDO PAMINTUAN

CENTRAL LUZON

DONYA ANITA

ERWIN

MAYORS PAMINTUAN

PAMPANGA

PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with