^

PSN Opinyon

Editoryal - Mag-ingat sa pagtanggap ng aplikanteng pulis

-

HINDI dapat ipagwalambahala ang panawagan ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na suriin daw munang mabuti ang mga nag-aaplay para magpulis. Idaan daw muna sa background check bago tanggapin ang aplikante. Ito raw ay para makasiguro na ang kukuning aplikante ay walang “utak-kriminal’’. Kung masusuring mabuti, nakasisiguro na walang magiging bugok sa serbisyo. Sinabi pa ni NCRPO chief Director Alan Purisima na ma­laking problema kapag nasa police service na ang mga ‘‘utak-kriminal’’ sapagkat mahirap nang ma­baklas dahil may pangil na at sungay.

Ang babala ni Purisima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot ng isang baguhang pulis sa pagpatay sa isang Tsinoy businesswoman at pagkakasugat sa iba pa. Ang pulis ay nakilalang si Police Officer 1 Ernesto Binayug. Si Binayug ay pinsan ni Senior Insp. Joselito Binayug na na-videohan habang tino-torture ang isang suspect sa loob ng Asuncion Police precinct, Tondo, noong 2009.

Ayon kay Purisima, nag-isyu na ng shoot-to-kill order si Manila Mayor Alfredo Lim kay PO1 Binayug. Nakunan umano ng CCTV si Binayug na bumaril kay Heidi Hsu, kapatid nitong si Robert at ama na si Tony. Ito ay matapos ang bigong panghoholdap sa biktima.

Nararapat ang panawagan ni Purisima na idaan muna sa mahigpit na pagsusuri o imbes­tigasyon ang sinumang mag-aaplay na pulis. Nakaka­takot kung ang pulis pala ay may “cri­minal minds” sapagkat nanganganib ang mamamayan. Pawang mga bagitong pulis ang gumagawa ng kasamaan at kung hindi magkakaroon nang mahigpit na pagpili sa aplikante, lalo pang tataas ang krimen. Kawawa naman ang mamamayan na umaasang ang mga pulis ang magsisilbi at magpoprotekta pero kabaliktaran na ngayon ay sasalakay pala sa kanila.

ASUNCION POLICE

BINAYUG

DIRECTOR ALAN PURISIMA

ERNESTO BINAYUG

HEIDI HSU

JOSELITO BINAYUG

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with