^

PSN Opinyon

Kuwentong Impeachment

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ENJOY na enjoy sa panonood ng Impeachment trial ang ilang nakausap kong abogado at law student. Maging ang karaniwang mamamayan ay nabibighani sa husay at kumpiyansa ni Justice Cuevas, sa pagkahinahon at dignidad ni Senate President Enrile, sa pagkaistrikto ni Sen. Miriam, sa lalim ng mga kontribusyon ng mga batang senador na sina Chiz, Alan at Koko, sa husay magpaliwanag ng mga spokesman ng bawat kampo at sa pagkakalat ng prosecution panel.

Marami ring interesting side story ang Impeachment. Ilan dito ay: Ang mag-amang Sen. Ed at Cong. Sonny Angara ay hindi raw nag-uusap; ang labanan ng Fraternities — Sigma Rho vs. Alpha Phi Beta vs. Utopia; ang pagkasuya ng House sa pamumuno ni Cong. Tupaz; ang bumabagsak na salamin ni Cong. Barzaga; ang papel na ginagampanan ng mga abogado sa staff ng mga senator judges sa pag-unawa ng mga pangyayari; at ang pagsuot ng kumot ng mga senador.

Sa mga sabik makapanood ng mga court room battles tulad ng pinalalabas sa imported TV programs, kailangang sadyain pa ang mga hukuman sa munisipyo o kapitolyo at makipagsapalaran. Suwerte kapag ang dinatnan mong insidente sa korte ay yung may argumentasyon at hindi yong marking of evidence lamang o iba pang teknikal na ginagawa ng abogado. At ang agwat sa pagitan ng mga hearing ay abot buwan. Ngayong may Impeachment Trial na maaring sundan 24/7 basta may TV, Radio, Internet o Twitter, maari mo na itong mapanood araw-araw, anumang oras at saan ka man naroroon sinta.

Mapalad tayo at nasusundan ng halos lahat ng media companies ang mga pangyayari sa Senado. Ang makasaysayang kabanata ng impeachment trial ng isang Chief Justice ay naghahatid sa lahat ng katakut takot na aral tungo sa mas mabuting pag-unawa sa ating Saligang Batas at sa ating sistema ng pamahalaan at nagpapayaman sa karanasan natin bilang mamamayan. Maging ang mayroon nang posisyong pabor o tutol sa impeachment ay napipilitang muling bisitahin ang kanilang paniwala habang higit na napapag-usapan ang kaso.

Anuman ang ma-ging resulta ng pag­li­litis, sino man ang ma­ talo, masasabi nating ngayon pa lang ay panalo na ang Pilipino.

vuukle comment

ALPHA PHI BETA

ANUMAN

CHIEF JUSTICE

IMPEACHMENT TRIAL

JUSTICE CUEVAS

SALIGANG BATAS

SENATE PRESIDENT ENRILE

SIGMA RHO

SONNY ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with