^

PSN Opinyon

Bone health: Alagaan ang buto

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Alam ba ninyo na…

1. Ang sanggol ay may 300 buto sa katawan. Paglaki niya ay magiging 206 na lang ang mga buto. Ito ay dahil karamihan ng ating buto ay magdidikit na.

2. Mayroon tayong 14 na buto sa mukha, 8 buto sa wrist, at 23 buto sa paa.

3. Pagdating ng edad 20, halos kumpleto na ang bone mass o tigas ng ating buto. Dahil dito ay dapat tayong uminon at kumain ng maraming calcium habang bata pa.

4. 1 sa 3 kababaihan ay may osteoporosis. Ngunit 1 lang sa 5 kalalakihan ang may osteoporosis.

5. Kapag kulang ang calcium sa kinakain natin, kumukuha ang katawan ng calcium mula sa buto. Kaya hihina ang ating buto at magdudulot ng osteoporosis.

6. Ang isang sanggol ay kumukuha ng calcium mula sa gatas ng ina. Kaya dapat kumain ng maraming calcium ang mga nanay.

Pag-alaga ng buto:

1. Bawat taon, may 1.6 milyong hip fractures sa buong mundo.

2. Para alagaan ang ating tuhod, umiwas sa mga tinatawag na high-impact exercises, tulad ng basketball, badminton, jogging at football. Mas hindi stressful sa tuhod ang swimming, walking at Taichi.

3. Kapag napilay, tandaan ang kodigong RICE. R – Rest, I – Ice, C – Compression, E – Elevation. Rest – Huwag igagalaw at lagyan ng splint or sling. Ice Compression - Lagyan ng yelo sa loob ng 20 minuto. Elevate – Itaas ang nasaktang parte ng katawan.

4. Mahirap maibalik sa dating lakas ang isang nasirang tuhod. Ingatan ito.

Believe it or not:

1. Ang pinakamatangkad na tao ay si Robert Pershing Wadlow, isang Americano na may 8 feet at 11 inches ang tangkad.

2. Ang pinakamaliit na tao ay si Gul Mohammed ng India na 22 inches lamang ang tangkad.

3. Ang pinakamahabang buto sa katawan natin ay ang buto sa hita. Ang buto ng hita ay nagbibigay ng 28% ng ating taas.

4. Ang pinakamabigat na tao sa buong mundo ay si Jon Minnoch na uma­bot sa timbang na 1,399 pounds.

5. Ang pinakamalakas na masel sa katawan ay ang masel ng panga, ang masseter, na ginagamit sa pag-nguya. Kaya mga ka­ibigan, mag-ingat na huwag ilagay ang daliri sa bibig ni baby.

Baka makagat kayo ng Masseter, ang pinakama-lakas na masel.

ALAM

AMERICANO

BAWAT

BUTO

GUL MOHAMMED

ICE COMPRESSION

JON MINNOCH

KAPAG

KAYA

ROBERT PERSHING WADLOW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with