^

PSN Opinyon

Mga butas sa batas

- Al G. Pedroche -

MARAMING butas ang batas. Iyan ang tinutuklas ng mga magaling na abogado para ipanalo ang ano mang kaso. Hindi sila masisisi dahil diyan sila eksperto at talagang iyan ang trabaho nila.

Natuto tayo sa isinasagawang impeachment trial sa Senado laban kay Chief Justice Renato Corona. Napapanood kasi ito sa pambansang telebisyon hindi katulad ng mga ibang kaso sa karaniwang hukuman.

Mismong ang mga impeachment rules ay puwedeng hanapan ng butas ng depensa man o umuusig para maging pabor para sa kanila. Local rules pa lang iyan. Paano pa kaya ang batas?

Ang Konstitusyon ang pinaka-ina ng lahat ng batas    at kapag may mga desisyon ang gobyerno na ayaw ng ilang sektor ay kinukuwesyon sa Korte Suprema sa tulong ng mga de kalibreng abogado na puwedeng hanapan ng loophole ang Saliganbatas para patunayan ang ipinag­lalabang punto.

Iyan ang malungkot. Ang Konstitusyon at ang ibang   batas sa jurisprudence ay puwedeng halukayin upang pumabor sa isang panig. Kaya yung mga nagkakasalang impluwensyal at masalapi ay ubrang magbayad ng mga magagaling na abogado upang ipanalo ang kaso. Mga abogadong kayang bigkasin ang libro ng batas nang pabaliktad.

Iyan ang sakit ng batas na nakasulat sa papel. Alam niyo ba na may mga bansa gaya ng United Kingdom na walang karta o nakasulat na Konstitusyon? Bakit ka n’yo? Kasi ang bansang ito ay matatag na sa loob ng mahabang panahon at alam ng mga leader at mga mamamayan ang tama. Nakasulat sa kanilang puso ang tamang paraan kung paano tatakbo ng ma­ayos ang pamahalaan at ang bansa. Iyan ang kaibhan ng batas na nakasulat sa papel at batas na nakasulat sa puso.

Ang batas na nakasu-lat sa papel ay puwedeng bigyan ng iba-ibang inter­pretasyon. Puwedeng pagbalibaliktarin para pumabor sa isang indibi-dwal o panig.

Wika nga ng mga may konsensyang abogado, hindi lang ang letra ng batas ang dapat isaalang-alang kundi ang diwa o espiritu nito. Angkop ang talatang ito sa Banal na Kasulatan:

2 Corinthian 3:3 You show that you are a letter from Christ, the result of our ministry, written not with ink but with the Spirit of the living God, not on tablets of stone but on tablets of human hearts.

ALAM

ANG KONSTITUSYON

ANGKOP

BATAS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

IYAN

KORTE SUPREMA

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with