^

PSN Opinyon

"Magkasunod na tampal"

- Tony Calvento -

MADALAS nating marinig na ang isang buntis iba-iba ang napaglilihian. Mula sa simpleng mangga hanggang sa bungang mahirap hanapin. Ang tampok namin ngayong araw na ito bukod tangi naman ang pinaglihian nitong buntis. Ang paninigiralyo umano ng kanyang pamangkin.

Oo nga Bobo nga ako. Hindi ako nakapag-aral. Hindi tulad mo nakapag-aral ka nga binuntisan ka langinanakan! Iniwanan ka!

Ito ang naging sagot ng isang 16 anyos na si Josh (di tunay na pangalan) ng pagmumurahin umano siya ng tiyahing si Efrelita April Sapitanan na noon daw ay naglilihi.

P*7@#6 i#@ mo! Bobo ka! Wala kang pinag-aralan... P*7@#6 i#@ mo! T*7@#6 i#@ mo! ang mga mura’t salitang ito daw ang nagpagising sa noo’y natutulog na si ‘Marie’.                  

Tubong Molino III Bacoor, Cavite si Marivic Mendoza o Marie kapitbahay niya dito ang angkan ng Sapitanan kamag-anak ng kanyang amang si Francisco.

Kwento ni Marie, madalas mang may kaguluhan sa kanilang lugar maganda naman daw ang relasyon nilang magkakamag-anak. Ganun na lang daw ang pagkabigla niya nang marinig si April na pinagmumura umano ang kanyang anak na si Josh. Nangyari ito isang haponika- 13 ng Hulyo 2011.

Mas nagngitngit itong si April nang sagutin siya ni Josh. Walang tigil umano siyang nagmumura,

Dahil dito lumabas na si Marie. Tinanong niya si Josh, Anak, ano bang nangyayari?

Sumbong ni Josh sa ina, bigla na lang daw siyang minura nitong si April.

Si April naman ang tinanong ni Marie. Nilapitan niya ito.

Sagot naman ni April, Yang anak mo! Bastos walang modo! Walang pinag-aralan!

Oh ikaw naman pala ‘tong may pinag-aralan bakit mo pa pinatulan? tanong ni Marie sabay alis.

Wala daw tigil sa pagmumura itong si April. Walang gustong umawat sa kanya, maging ang lolo’t lola nito at mga tiyuhin na noo’y nanood lang daw. Si Marie na ang umaksyonbinigyan niya ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi si April at pinatahimik. 

Napatigil ito subalit ilang saglit lang, siya naman daw ang pinagmumura.

Nagpanting ang tenga ng noo’y nasa labas na si Kevin, 18 anyos na anak ni Marie.

Awatin niyo naman ‘to. Hindi niyo ba maawat yan? sabi ni Kevin.

Parang walang nakarinig sa kanya kaya’t ang ginawa nitong si Kevin nilapitan si April sabay sampal sa kabilang pisngi naman nito. Hinila niya ang ina’t kapatid at saka pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Tinanong ni Marie si Josh kung ano ang pinagmulan ng sagutan nila ng tiyahin. Kwento daw ni Josh, habang nag-uusap sila ni ‘Yang-Yang’, umuupa sa katabing bahay ni April sinabihan siya ni Yang-Yang na, Hoy ikaw ah nakita kitang naninigarilyo!

Huh? Hindi ako yun!, pagtanggi ni Josh,

Nagulat si Josh nang bigla na lang daw sumabat sa kanilang usapan si April na noo’y naglalaba at sinabi umanong, HooohNagmamaang-maangan ka pa! Ako mismo nakita kita naninigarilyo ka sa kanto. Inis na inis nga ako sa itsura mo. Ang bata-bata mo pa naninigarilyo ka na. Nakakasuka kang tignan.

Hindi naman ito pinalampas ni Josh, Bakit kasama ka ba sa usapan?

Bigla na lang umanong nagalit itong si April. Uminit bigla ang ulo nito maging ang kanyang bibig. Nagmumura na daw ito.

Ilang araw makalipas, pinatawag na lang sina Marie at mga anak sa Brgy. Molino III. Nagreklamo na pala si April ng Physical Injuries sa barangay.

Pinagharap sina Marie at April. Kinausap sila ng lupon at kinuha ang kani-kanilang panig. Aminado daw si April na pinagmumura niya itong si Josh subalit depensa niya bastos daw kasi ito. Sumbong ni April pinagtulungan siya ng mag-iina. Paliwanag ni Marie sinampal niya ito dahil pinagmumura niya ang anak maging siya mismo na siyang nag-udyok naman kay Kevin na sampalin ang tiya.                 Minura-mura na nga niya kapatid ko pati po ba ina ko? sabi ni Kevin.

Nagkaroon ng apat na pagtawag para sila’y pag-ayusin subalit hindi napagkasundo ng Lupong Tagapamayapa ang dalawang panig.

Ayon kay Marie, humingi umano si April ng halagang Sampung libong Piso para iaatras niya ang demanda. Walang pera sila Marie pambayad sa areglo.

Nagsampa si April ng kasong Physical Injuries sa Prosecutor’s Office, Imus, Cavite laban sa mag-iina nung Ika-14 ng Setyembre 2011. Sa ngayon, hinihintay na lang nila Marie ang ‘subpoena’.

Hindi ko maisip bakit lumaki ng ganito na nag-umpisa lang sa usapan at away bata. Dati naman wala kaming away niyan. Malamang dala ng kanyang paglilihi kaya’t mabilis uminit ang kanyang ulo, ayon kay Marie.                 

Gustong malaman ni Marie ang legal na hakbang na maari niyang gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Marie.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mahirap din para sa isang ina na makita at madinig na minumura-mura ang kanyang anak na menor-de-edad. Hindi rin naman siya binibigyan ng karapatan na sampalin ang kanyang pinsan na buntis. Tayo’y namumuhay sa isang lipunan kung saan may mga batas na dapat sundin. Kung hindi ang mangyayari, lipunan tayo ng matira matibay.

Kung dinaan niya sa tamang proseso ang nadinig niyang pagmumura sa kanyang anak dapat niyang kinasuhan ng Slander in relation to R.A 7610 o Child Abuse. Dahil inilagay niya sa kanyang mga kamay na gantihan itong si April sabit siya ngayon sa kasong Slander by deed o Physical Injuries kung paano ito titimbangin ng taga-usig.

Sa kaso ni Josh na isang menor-de-edad dapat ipakita ni Marie ang kanyang birth certificate. Ang prosecutor naman ay tignan kung ito’y acted with discernment o alam niya ang kanyang ginawa dahil sa ilalim ng R.A 9344 o Juvenile Justice Welfare Act hindi pwedeng kasuhan ang below 18 taon. Dapat itong sumailalim sa isang diversion program mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

 Nakakalungkot isipin kadalasan mas madaling ayusin ang away ng ibang tao kesa away ng magkakapamilya. Gusto ko na tuloy maniwala sa kasabihang, “Ang pinakamalapit mong kaibigan ay maaring maging pinaka-mortal mong kaaway.” (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maaring magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd. Pasig Lunes-Biyernes.

* * *

Follow us on Twitter Email: [email protected]

DAW

KEVIN

MARIE

NIYA

PHYSICAL INJURIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with