^

PSN Opinyon

'Kidnap for ransom' (Ohara behind the Scene Story I)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

KABI-KABILA ang mga balita sa pagkakatanggal kay da­ting Gen. Magtanggol Gatdula bilang Director ng National Bureau of Investigation.

Ito’y nang madawit ang kanyang pangalan sa kaso ng kidnapping ng Haponesang si Ohara na nasa bansa ngayon.

Subalit ang nakikita ng lahat ay resulta na lamang ng problema. Ni hindi napag-uusapan kung ano ang dahilan at nakapako lamang ang atensiyon sa NBI na pinamunuan noon ni Di­rector Gatdula.

Kasama ang aking kapatid na si Mon Tulfo, buwan pa lamang ng Nobyembre taong 2011, pinagpaplanuhan na sa tanggapan ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang pagbitag sa mga suspek na umano’y kumidnap kay Ohara.

Itinuring na kidnapping ng PACER ang kasong ito dahil noong mga oras na ‘yun ay humihingi ng P15 million ang mga suspek na umano’y mga taga-NBI sa foster family na tinutuluyan ng Haponesa sa Pilipinas.

Sa tulong ng tipster ng aking kapatid na si Mon ay namo-monitor ang kilos at galaw ng mga suspek maging ang pagpunta nito sa mall kasama ang biktimang Haponesa.

Bago pa man pumutok ang isyung ito ay dokumentado na namin ang mga behind the scenes ng kaso.

Enero 4, 2012, masuwerteng napaunlakan ni Director Gatdula ang grupo ng BITAG ng isang interview.

On leave pa siya noong panahong iyon at bagamat dismayado sa pagkakadawit ng kanyang pangalan, ipinaliwanag ni Dir. Gatdula ang protocol ng kanyang tanggapan.

Malinaw na itinago at nilabag ang panuntunan, regulasyon at pamantayan sa paghawak sa kaso ni Ohara ng head ng Security Management Department ng NBI.

Sa aming interview, may intensiyong hindi ipaalam kay Director Gatdula ang pananatili ng biktima sa poder ng mga suspek na empleyado ng NBI.

Ibinahagi rin ni Director Gatdula na hindi undocumented na dumating sa bansa ang biktima kundi   sinalubong ito sa airport ng Pilipinas ng isa umanong immigration officer at pinalitan ang kanyang Japanese passport ng pasaporte ng Pilipinas.

Base na rin ito sa salaysay ng biktimang si Ohara. Dito nag-umpisang masangkot ang tanggapan ng Imigrasyon ng Pilipinas na sa ngayon, hindi pa pinag-uusapan ang lahat.

Mapapanood ang kabuuan ng imbestigasyon maging ang mga behind the scene sa kasong ito simula pa noong 2011, sa Biyernes alas-9 ng gabi sa TV5.

Abangan ang ikalawang bahagi ng kolum na ito sa malalimang imbestigasyon ng BITAG.

DIRECTOR GATDULA

GATDULA

HAPONESA

MAGTANGGOL GATDULA

MON TULFO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OHARA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with