^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Military, patuloy sa paglabag sa karapatang pantao

-

BIGO si President Noynoy Aquino na maipatigil ang mga nagaganap na pagpatay o pagkidnap sa mga pinaghihinalaang leftist, aktibistang estudyante, mga lider manggagawa, magsasaka, mamamahayag, pari at iba pa. At ang mga pinaghihinalaang gumagawa nito ay mga miyembro ng military. Bago pa maluklok sa puwesto si Aquino noong Hunyo 2010, ipinangako niyang lulutasin ang mga pagpatay at mga pagkidnap sa mga nabanggit na grupo at indibidwal. Pero walang makitang paglutas sa mga pagpatay at nagpapatuloy pa nga. Mula nang maluklok, pitong pagpatay at tatlong kaso ng pagkidnap na ang nangyari sa administrasyong Aquino.

Sa report ngayong 2012 ng Human Rights Watch (HRW), binatikos nito ang gobyernong Aquino dahil sa patuloy na pagpatay at pagkidnap na ginagawa ng military at sa kabila na mayroon nang matibay na ebidensiya, hindi pa rin napaparusahan. Kahit na raw positibo na ang military ang may kagagawan sa pagkidnap at pagpatay, patuloy pa ring nakalalaya ang mga suspek.

Mariing sinabi ng HRW na hindi gumagawa ng reporma si Aquino at masyadong mabagal ang progreso para wakasan ang mga ginagawang pang-aabuso ng mga miyembro ng military. Dagdag pa ng HRW, patuloy ang pagtorture ng mga sundalo at pulis sa mga pinaghihinalaang leftist, aktibista, suspected criminals pero walang aksiyong ginagawa ang pamahalaang Aquino para maputol ang ganitong masamang gawain.

Ginawang halimbawa ng HRW ang ginawang torture ng pulis na si Sr. Insp. Joselito Binayug sa isang suspect na tinalian ang ari at saka hinihila para lang umamin sa kasalanan. Sinubaybayan umano nila ito mula nang makunan ng video. Nagtataka sila kung nasaan na ang torture victim. Pinatay na raw ba?

Ang batikos ng HRW ay napapanahon para ku­milos ang pamahalaang Aquino. Hindi dapat talikdan ang pangakong lulutasin ang mga pagpatay at pagkidnap. Ipagkaloob ang hustisya sa mga tinorture, pinatay at ibinaon sa talahiban. Bakit hanggang ngayon, hindi pa nadadakip ang dating heneral na si Jovito Palparan sa kabila na may nakasampa nang kaso laban sa kanya kaugnay sa pagdukot sa dalawang UP students?

Ipakita ng Aquino administration na ang tuwid na landas ang tinatahak at hindi naliligaw. Ipakita sa paghahatid ng hustisya sa mga pinatay.

AQUINO

BAKIT

HUMAN RIGHTS WATCH

IPAKITA

JOSELITO BINAYUG

JOVITO PALPARAN

PAGPATAY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with