^

PSN Opinyon

Mga pulitiko ang nasa likod ng illegal logging sa Mindanao

DURIAN SHAKE -

NAKAUSAP ko ang isang miyembro ng anti-illegal logging task force na nabuo noong nilabas ni President Aquino ang Executive Order No. 23 na nagbabawal sa anumang logging activities sa bansa.

Kuwento nga ng task force member na nakausap ko na masyado raw garapalan ang pagkasangkot sa illegal logging ng mga politiko, partikularmente na dito sa Mindanao.

Alalahanin natin na ang kumitil ng libong buhay noong December 17, 2012 sa Cagayan de Oro City at Iligan City dahil sa Bagyong Sendong ay hindi lang ang rumaragasang baha kundi ang maraming troso na inanod at sumira sa mga tulay, kalsada at bahay.

Hindi pa nga tapos ang pagkuha sa “killer logs’. Aabot daw ng isa at kalahating taon ang clearing operation sa mga bayan na sinalanta ni “Sendong”.

Inisa-isa ng aking source kung sinu-sino ang mga sangkot sa illegal logging sa Mindanao hanggang ngayon. Dinetalye rin niya kung saang area sinasagawa ang illegal logging ng mga pulitikong ito. Kung baga sa digmaan, may kanya-kanya rin silang teritoryo.

May mga gobernador, mayor at maging congressman, maliban pa sa mga barangay officials na kasali rin sa illegal na gawain.

Kuwento nga ng aking source na pag-natimbrehan ng mga local officials na ito na nasa area na nila ang task force vs. illegal logging, nagmamalinis na agad sila at sila pa kunwari ang tutulong sa pagdakip sa illegal loggers.

May ilan pa ngang mga pulitiko na tinatawagan ang mga miyembro ng task force on illegal logging na kung maari huwag banggitin ang pangalan nila sa report kay President Aquino.

Hindi lang sa report kay President Aquino ayaw ng mga politikong ito na mabanggit ang mga pangalan nila. Lalong ayaw nilang mapabalita sa media na sila ay illegal loggers.

Ito ang masaklap — kasi tuwing may mga disasters sila pa mismo ang nangunguna sa pamimigay ng relief goods at iba pang assistance sa mga nasalanta sa baha o landslide na dulot ng walang humpay na pamumutol ng kahoy sa ating kagubatan.

Kaya sa susunod huwag magtiwala sa mga pulitikong kunwari nanunumpa sa harap ng mamamayan na protektahan nila ang ating kalikasan dahil sila mismo ang sumisira nito lalo na ‘yong mga sangkot sa illegal logging.

BAGYONG SENDONG

EXECUTIVE ORDER NO

ILIGAN CITY

ILLEGAL

KUWENTO

LOGGING

MINDANAO

ORO CITY

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with