^

PSN Opinyon

Corona'ng 'tinik' lalong umiinit

- Al G. Pedroche -

INIHARAP na ng mga Congressmen-prosecutors ang anila’y ebidensya at reliable witnesses na magdidiin kay Chief Justice Renato Corona sa nililitis na impeachment case. 

Ito’y mga ari-ariang umano’y humigit-kumulang sa P67 milyon na kinumpirma ng mga testigong pawang mga hepe ng register of deeds sa mga lugar na kinaroroonan ng mga ari-arian. Ngunit di pa tayo puwedeng humusga nang “guilty or not guilty”. Ang Senate impeachment tribunal lang ang dapat humusga base sa matalinong ebalwasyon ng mga ipiprisintang mga testigo at hard evidence.

Bago pa man simulan ang trial, naging matapang na si Corona. Ipinagdiinang lilinisin ang kanyang ngalan. Sa first day of trial ay naroroon siya para patunayang wala siyang itinatagong “skeleton in the closet.”

Final arbiter sa usapin ay ang mamamayan at hindi ang sino mang umano’y may political motive para patalsikin siya bilang puno ng Mataas na Hukuman.

Ano man ang hatol ng Senado, mamamayan din ang hahatol kung tama o mali ito. Kaso, matabil ang dila ng mga prosecutors at ginagawang underdog si Corona. Gumagamit sila ng mga nakakainsultong salita na hindi na inaalintana ang prinsipyo ng presumption of innocence.

Umiinit lalo ang proseso sa Senado. Palibhasa’y nananatiling “Coronang Tinik” sa mga polisiya ni P-Noy si CJ Corona. Si P-Noy mismo ang nagsabi na hadlang si Corona sa polisiya ng pamahalaan laban sa korapsyon. Ngunit pinatutunayan ni Corona ang katangian ng Batangueño na hindi marunong umatras sa laban.

Payo ko sa mga young and aggressive prosecutors ng pinagpipitaganang Kamara de Representante tulad ni Niel Tupas, kung nais maseguro ang panalo, maging maingat sa bokadura. Gaya nang nasabi ko na, baka tuluyang mabaliktad ang simpatiya ng bayan at mapunta kay Corona.

Sa kabuuan ng proseso, ang madalas umiskor ay ang beterano, matalino kahit gu­rang na si dating Justice Serafin­ Cuevas.

Sa mga kaalyado ng admi­nistrasyon sa Kongreso, makabubuti kung palitan ang ilang prosecutor ng mga ma­ginoo, mahusay at mahinahon kung ibig ninyong ipanalo ang ipinag­lalaban.

ANG SENATE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

CORONANG TINIK

JUSTICE SERAFIN

NGUNIT

NIEL TUPAS

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with