^

PSN Opinyon

Editoryal - 'Dungis' sa NBI

-

NOON pa ay mayroon nang mga masasamang balita na nasasangkot ang mga ahente at empleado ng National Bureau of Investigation (NBI). May NBI agent na sangkot sa carnapping at mismong ang sasakyan ay natagpuan sa compound ng NBI. May mga empleado sa NBI na sangkot sa pagkawala ng mga ebidensiyang shabu. May mga NBI agent na naakusahan ng extortion at kung anu-ano pang mga kaso. Hindi lamang pala ang Philippine National Police (PNP) ang nasasangkot sa mga masasamang gawain kundi pati na rin pala ang mga tauhan ng NBI. Sa nangyayaring ito, saan pang sangay ng batas lalapit ang mamamayan kung ang mga inaasahan nilang tutulong at magpoprotekta ay ang mga ito pala ang sasalakay sa kanila.

Lalo pang nalagay sa alanganin ang NBI at nadagdagan ang “dungis” na pati ang director nito ay masangkot na rin sa hindi magandang gawain. Ayon sa report, hindi na pababalikin ng Malacañang sa puwesto si NBI Director Magtanggol Gatdula dahil sa pagkakasangkot nito sa kidnapping at extortion. Bukod kay Gatdula, apat pang opisyal ng security and management division (SMD) ng NBI ang nirekomendang sampahan ng kaso ng Department of Justice. Nag-file ng isang buwan na vacation leave si Gatdula at nakatakda na sanang magbalik sa NBI ngayong buwan na ito.

Ang kasong criminal na ihaharap kina Gatdula at apat pang NBI official ay may kaugnayan sa kidnapping ng 32-anyos na Japanese woman na nagngangalang Noriyo Ohara. Umano’y nagtungo sa Pilipinas si Ohara para takasan ang tangkang pagpatay ng Japanese Yakuza. Nagpanggap na Pinoy si Ohara at namalagi sa Bugallon, Panga-sinan kung saan siya inaresto ng SMD-NBI agents. Doon na umano nagsimula ang kidnapping at extortion cases.

Panibagong dungis sa NBI ang kasong ito. Patutunayan naman nina Gatdula at mga tauhan niya na mali ang akusasyon. Linisin nila ang pangalan. Kung hindi nila mapapatunayan, nasa malalim na “putik” na naman ang NBI at mahihirapan nang makaahon.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

GATDULA

JAPANESE YAKUZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

NORIYO OHARA

OHARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with