^

PSN Opinyon

Dumarami ang krimen

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MARAMI ang nagtatanong sa akin kung may kamandag pa itong “Ugnayan sa Masa” na inoorganisa ng mayor at police sa Metro Manila. Sa palagay ko meron depende nga lang sa nag-oorganisa ng pagtitipon. Kasi nga dito nalalaman ng mga barangay official ang karaingan na ipinararating ng mga mamamayan upang mabigyan ng katugunan. Subalit mukhang nag-iba na ngayon ang takbo ng panahon dahil bihira na tayong makarinig na may pagtitipon ang mga local official, barangay official at chief of police kaya balik na naman ang problema sa lansangan. Lumalabas kasi na political will lamang ng kapartido ni mayor ang palaging naanyayahan sa pagtitipon kaya ang ibang karaingan ay hindi naaksyunan. Kung magtulungan lamang siguro itong kapulisan at Barangay Official tiyak na mababawasan ang krimen.

Katulad na lamang sa walang humpay na panghoholdap, snatching at pamamaslang ng mga riding-in-tandem sa mga lansangan na hanggang sa ngayon ay wala pa ring kalutasan. Indikasyon ito na walang pagtutulungan ang mga barangay official at kapulisan na maprotektahan ang sambayanan mga suki. Nasaan ang pinagtibay na samahan ng “Barangay at Pulisiya magkasangga laban sa krimen” kung patuloy ang pamamayagpag ng mga kriminal sa langsangan. Sa ngayon iba’t ibang reklamo ang ipinarating sa akin katulad na lamang sa magdamagang inuman sa kalye na kadalasan nagaganap pa mismo sa malapit sa mga barangay hall. Katulad na lamang diyan sa may Arellano St. Malate, Manila. Isang nagngangalang “Edong” ang pasimuno ng inuman sa kalye at oras na malasing ang grupo nito ay nangingikil sa mga nagdaraang residente. Calling Supt. Ernesto Tendero Sir, pakipasadahan nga po ito.

Ang paligid naman ng Bureau of Immigration sa Intra­muros, Manila ay pinamumugaran naman ng mga sadistang Watch your Car Boys at ang kanilang mga binibiktima ay yung mga dayuhan. Nagiging palabigasan na nila ang mga drayber sa tuwing paparada ng sasakyan at oras na di sila mabigyan ng tong ay binubutas nila ang mga gulong o dili kayay ginagasgasan ang pintura ng sasakyan. Sa Tondo naman talamak na ang video karera sa lahat ng dako na ang karamihan sa mga parokyano ay mga kabataan at mga adik. Talamak na rin ang bentahan ng droga sa naturang lugar na ayon sa aking mga kausap protektado umano ng ilang talamak na barangay official. Manila mayor Alfredo Lim Sir, pakikumpas nga po ulit ang iyong kamay na bakal upang matuldukan itong mga naglipanang video karera operators at drug pushers ng muling bumalik sa iyong lungsod. Sa Quezon City naman, nakadidismaya itong walang akyon sa reklamo ng mga residente hingil sa walang oras na inuman sa kalye. Particular sa may Sta. Catalina, Apo at Kanlaon Sts., Barangay Maharlika na nasasakupan ni Bgy chairwoman Letty Lim. Ilang beses nang inereklamo ng mga residente ang magdamagang inuman sa kalye subalit pinabibingi-bingihan lamang ito ni Supt. Lino Banaag. Lumalabas pa na anak pa umano ng barangay official ang pasimuno ng inuman kaya nababahag ang buntot ni Supt. Banaag. Abangan at marami pa akong isisiwalat.

ALFREDO LIM SIR

ARELLANO ST. MALATE

BARANGAY

BARANGAY MAHARLIKA

BARANGAY OFFICIAL

BUREAU OF IMMIGRATION

CALLING SUPT

CAR BOYS

ERNESTO TENDERO SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with