^

PSN Opinyon

Senado at SC banggaan na ba?

- Al G. Pedroche -

“MADUGO” ang impeachment trial sa Senado sa kaso ni Chief Justice Corona kahapon. Tila may namiminto nang banggaan ang Senado at Mataas na Hukuman. Huwag naman sana.

Ang testigo ng prosecutors sa ikalawang araw ng paglilitis ay ang Clerk of Court ng SC na si Enriquetta Vidal. Dala-dala niya ang statement of assets and liabilities and net worth (SALN) ni Corona. Sinubpoena ito ng impeachment panel kaugnay ng pagtukoy sa inaakusang ill-gotten wealth ng prosecution.

Grabe. Naipit sa dalawang nag-uumpugang bato si Ms. Vidal. Kahit hawak niya ang mga papeles, ayaw niya munang isuko. Kailangan pa raw magpulong ang SC bago magbigay ng pahintulot na i-intrega sa impeachment panel ang mga ito.

Isa-isa namang nagsalita ang mga senator-jurors na pinangunahan ni Sen. Drilon, Angara, Jinggoy Estrada, Alan Peter Cayetano, Coco Pimentel at iba pa. Anila, ang Senado ay tumatayo ngayong Korte at hindi nila hinihiling kundi iniuutos na isuko ang SALN ni Corona. Sabi nga ni Senate President at Chief Juror Juan Ponce Enrile, “we are commanding you”.

Hindi masisisi si Ms. Vidal (isa ring abogada) na magdalawang isip. Kung susunod siya sa Senado mako-contempt siya ng SC. Kung susunod siya sa SC, mako-contempt naman siya ng Senado. Ang masaklap, malamang na sipain pa siya sa kanyang trabaho sa Korte Suprema kapag isinuko niya ang mga papeles. Tanong nga ng chief counsel ni Corona na si Serafin Cuevas, mauutusan ba ng Senado ang Korte Suprema na ibalik sa trabaho si Vidal kung sakaling itiwalag siya?

It seems Ms. Vidal was intimidated by the overwhelming command of the  se­ nator-jurors kaya bumigay din ang ale. So and next step ay bubusisiin na sa trial ang laman ng SALN na siyang pangalawang ar­­ tikulo sa impeachment case laban kay Corona.

Sabagay, sinabi naman ni Corona kamakailan sa kanyang talumpati sa flag ceremony sa SC na wala si­yang itinatagong ill-gotten wealth. So, huwag na sanang human­tong sa pag-contempt kay Vidal o pagtiwalag sa kanya sa trabaho ang pangyayari.

Kung walang iti­­natago, bakit naman hindi ilalantad ang papeles ng SALN ni Corona?

ALAN PETER CAYETANO

CHIEF JUROR JUAN PONCE ENRILE

CHIEF JUSTICE CORONA

CLERK OF COURT

COCO PIMENTEL

CORONA

KORTE SUPREMA

MS. VIDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with