^

PSN Opinyon

"Abogado de tuliling (?)"

- Tony Calvento -

IBA-IBA ang kalibre ng mga abogado. Merong pangalan pa lang ang lakas ng tunog ng kampanilya. Meron namang normal pero magaling din. Merong mga abogado na hindi kampanilya ang dala kundi tuliling. Sila ang mga ‘Abogadong de tuliling’.

Nagsadya sa aming tanggapan si Ricardo San Juan, 56 na taong gulang ng Taguig City.  Patung-patong na problema ang kanyang inilalapit sa amin.

Nagsimula sa usapin sa lupa na may sukat na 143 sqm sa Signal Village Taguig City.

Noon sa Makati sila nakatira. Nagkataon na binenta ng kanyang lola “Anday” ang lupa kaya sila nawalan ng bahay. Nakiusap ang asawa ni Ric na si “Nora” sa kumare nito na kung pwede silang tulungan. Pinatira sila sa Taguig. Humingi sila ng permiso kay ‘retired’ Lieutenant Col. Abundio Alcoriza.

Binigyan sila nito ng kapirasong pwesto sa kanyang lupain na may sukat na 69 sqm. Nagtayo sila Ric ng maliit na bahay.

Makalipas ang dalawang taon, may nagpuntang taga-Bureau of Land. Isinalaysay sa kanila ang tungkol sa Proclamation 172 na binibigyan sila ng karapatan na mag-‘apply’ para matituluhan ang lupa.

Pinag-file sila ng ‘application’. Nagbayad siya ng PHp2,145. Umusad naman ang proseso. Nagkaroon si Ric ng order, award, technical description, blue print at ‘notice for titling’.

Unang nagkaroon ng titulo ang kapitbahay niya na si Roland Soco. May natanggap si Ric na kopya ng reklamo ni Alcoriza.

Sinasabi ni Alcoriza na iba daw ang lote na binigay niya sa ti­nitirhan ni Ric. Dapat daw ay maghati sila sa 202 sqm na lote ni Soco. Imposible daw mangyari yun sabi ni Ric dahil alam daw ni Alcoriza kung saan dapat sila tumira.

Nagsampa si Alcoriza ng kasong Cancellation of Plans Pcs. Lumapit siya sa kanyang kaibigan na si Salve at inirefer sila kay Atty. Patrick A. Caronan.

Disyembre 2006, binayaran niya ito ng Php3,000 para daw sa paggawa at pag-file ng Omnibus Motion. Sumunod ay merong dumating na papel at hiningan na naman sila ng Php3,000 para naman sa Manifestation and Motion.

Nagtataka sina Ric kung bakit parang hindi umuusad ang kaso. Nag-‘hearing’ sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) subalit lahat ay ‘postponed’ lang.

Dalawang taong puro palitan ng mga papel ang nangyari sa kanila. Nangulit itong si Ric. Tinanong niya si Atty. Caronan kung ano ang estado ng kaso ngunit hindi ito nagre-reply. Kapag tinatawagan naman ay hindi nito sinasagot.

Pumunta si Ric sa opisina nito sa Signal Taguig. Wala na pala doon at lumipat na sa may Pasig.

Muli niya itong tinawagan at mabuti’y sumagot. Nagkita sila sa SM Megamall. Natuklasan niya Marso 2009 pa lang daw wala na silang opisina sa Taguig. Ang paliwanag nito, wala daw siyang natatanggap na sulat mula sa DENR.

Ayon sa kopya ng desisyon mula sa DENR na pirmado ni Jose Andres Diaz ang Regional Executive Director, CANCELLED na daw ito. Talo sila Ric sa kaso.

Nangako si Atty. Caronan na tutulong siya. Pwede pa daw mag- apila. Magkita na lang daw sila Ric at ng sekretarya na si “Annaliza Esperanza” sa Sunshine Mall sa FTI Taguig. May pipirmahan daw si Ric na papeles.

Ika- 16, Setyembre 2010, nagkita sila Annaliza at Ric. Binigyan si Ric ng tatlong pahinang papel na kanyang pipirmahan.

Hiningan siya ng halagang Php20,000 para gapangin ang kaso. Nangutang ang anak niya na si “Julie” sa trabaho para may maipambayad kay Atty Caronan. Ika-30 ng Setyembre naibigay daw nila ang bayad.

“Sabi ni Atty. kailangan daw yung pera dahil talo ako sa DENR. Kumbaga daw sa barangay mula itaas hanggang ibaba ay hawak nila. Sa RTC daw may pag-asa”, ayon kay Ric.

.Pinakilala din ni Atty. Caronan ang bagong abogado ni Ric na si Atty. Melbian Jerome Larano. Paliwanag ni Atty. Caronan meron daw siyang malaking kumpanya na hinahawakan.

Pagkatapos nun wala na daw nabalitaan si Ric. Pakiramdam ni Ric napabayaan ang kanyang kaso.

Nobyembre, nagtext si Ric sa kanyang bagong abogado na si Atty. Larano. Ang sabi sa kanya ay nagresign na daw siya kay Atty. Caronan.

Hindi malaman ni Ric kung paano makakuha ng hustisya sa kasong kanyang ipinaglalaban at problema sa lupa kaya nagsadya na siya sa aming tanggapan.

Nakapanayam namin siya sa aming programang CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon).

Bilang tulong at PARA SA PATAS NA PAMAMAHAYAG tinawagan namin si Atty. Caronan upang alamin kung ano ba ang ‘status’ ng kasong ito. tumanggi siya na magbigay ng pahayag o ng kanyang panig.

Ok lang daw sa kanya kahit anong isulat namin. Ibabalik na lang daw niya ang pera at magsolian na din daw sila ng kandila. Kinuha kasi nila si Atty. Caronan na ninong sa kasal.

Nagpunta si Ric sa bahay ni Annaliza upang bawiin ang bayad gayon na rin ang ‘withdrawal of appearance’ kung saan nakasulat na siya ay nagwi-withdraw na sa kaso. Sinabi ni Annaliza na nagtext daw si Atty. Caronan na kung anong transaksyon ay huwag tanggapin dahil hindi na daw siya empleyado nito.

Hindi rin umano alam ni Annaliza ang tungkol sa withdrawal dahil sa pagkakaalam daw niya ay tatlong taon na itong hindi nagpa-‘practice’ at baka napaso na ang kanyang lisensya.

Binigyan namin si Ric ng ‘referral’ sa PAO Pasig para pag-aralan kung anong pwedeng isampang kaso laban kay Atty. Caronan. Kinausap din namin si Atty. Alice Vidal ang Head ng Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para makapag-file ng reklamo laban dito sa abogadong ito.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, Ang unang dapat tignan ay kung itong si Atty. Caronan ay isang abogado ‘of good standing’ o kung totoo nga siyang abogado, ano ang kanyang ‘roll of attorney’. Doon makikita kung tunay na abogado siya. Ang isang abogado ay kinakailangang sumailalim sa isang seminar o sa MCLE tuwing tatlong taon. Isa pang palaisipan ay kung bakit nagpapakilala siya ng ibang abogado para asikasuhin ang kaso ni Ric gayong siya ang singil nang singil. Panghuli nang beripikahin sa RTC kung may nagawa ba itong abogadong si Caronan lumalabas na wala pang nai- file doon. Attorney… “watsamatawidyu?!”

Binigyan ka namin ng pagkakataon na ibigay ang iyong pahayag pero ang sabi mo “write anything you want!”. Gayunpaman bukas pa rin ang aming tanggapan para madinig ang iyong panig. ‘Wetaminit.. abogado ka nga ba?’. (KINALAP NI AICEL BONCAY)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ALCORIZA

ATTY

CARONAN

DAW

KUNG

LSQUO

RIC

SILA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with