^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Katarungan para kay Philip Pestano

-

LABING-ANIM na taon na ang nakararaan mula nang matagpuang patay sa kanyang cabin ang 24-anyos at PMA graduate na si Navy Ensign Philip Pestano. Nang maganap ang insidente siya ang cargo master ng BRP Bacolod City. May tama ng bala sa kanyang sentido si Pestano at nakahandusay sa kanyang kama. Natagpuan sa tabi niya ang isang baril at suicide note.

Umalis umano ang BRP Bacolod sa Sangley Point, Cavite ng 7:15 ng umaga noong Sept, 27, 1995 para magtungo sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Blvd. Forty five minutes lang lakbayin mula Sangley patungong Maynila pero inabot umano ng dalawang oras bago ito dumating sa naval headquarters. Nang matagpuang patay si Pestano, agad nagkaroon ng konklusyon na nagpakamatay ang navy officer.

Pero ang mga magulang ni Pestano ay hindi naniniwalang nagpakamatay ang kanilang anak. Ayon sa kanila, pinatay ang kanilang anak para hindi nito maibulgar ang illegal shipment ng troso, illegal drugs at armas. Naniniwala ang mga magulang ni Pestano na ang mga kasamahan sa Navy ang nasa likod ng pagpatay kay Pestano.

May mga ebidensiya na hindi nagpakamatay si Pestano kundi pinatay. Pinagbabasehan ang tama ng bala sa kanyang sentido. Wala raw burn marks. May testimonya pa na hindi umano kay Pestano ang baril na ginamit kundi hiniram lamang. Nakapagtataka na humiram pa ng baril ang biktima para barilin ang sarili gayung may sarili itong baril.

Naging mailap ang katarungan kay Pestano. Binalewala ang kaso na dapat sana’y noon pa nadisesyunan at napagbayad ang mga nagplano at gumawa ng pagpatay. Naging pabaya si da-ting Ombudsman Merceiditas Gutierrez sa kabila ng pakiusap ng mga magulang ni Pestano. Ang Ombudsman ang may responsible sa kaso. Ayon sa mga magulang ni Pestano, nagsawa na sila sa kakakatok sa opisina ni Gutierrez.

Nabuhayan naman sila ng loob nang ihayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na biktima ng foul play si Pestano. Agad niyang pinasampahan ng kaso ang 10 navy officers.

Ngayo’y tiyak nang uusad ang kaso at mahahalukay na ang lahat. Magkakaroon na marahil ng hustisya ang pagkamatay ni Pestano. Napakahaba ng 16 na taon na paghihintay.

vuukle comment

ANG OMBUDSMAN

AYON

BACOLOD CITY

NANG

NAVY ENSIGN PHILIP PESTANO

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

OMBUDSMAN MERCEIDITAS GUTIERREZ

PESTANO

PHILIPPINE NAVY HEADQUARTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with