Private Armies, buwagin na!
HABANG maaga at dehins pa pumupustura ang mga gustong tumakbong pulitiko sa May 2013 National Election ay dapat na munang windangin ng gobierno ng Philippines my Philippines ang mga private army para dehins na magkatimbuwangan ang mga walang alalay na may balak kumandidato.
Tiyak ang mga kamoteng pulitikong may sangkatutak na mga bodyguard o private armies ang lamang sa mga lugar na kanilang tatakbuhan dahil sila ang may power, gold at goons.
Sabi nga, kayang tatakutin ang madlang voters!
Tiniyak ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na binigyan ng basbas ng COMELEC na puede ng mangampanya sigurado maglulutangan na sa mga lungga ang mga kamoteng pulitiko kasama ang kanilang mga private armies para bulahin ang mga botante sa kanilang lugar.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, political will lang ang kailangan para sa pagbuwag ng mga private army.
Abangan.
Dahil sa kahirapan dumarami ang nagdarasal
SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, record breaking ang nangyaring prusisyon ng ‘black Nazarene’ last January 9 dahil 22 oras ito tumagal at ang pinakamaganda pa todits grabe as in grabe ang sumama.
Sabi nga, pinakamaraming deboto sa kasaysayan ng Philipines my Philippines
Binalewala ng madlang pinoy ang panawagan ni P. Noy na kung maari ay huwag ng pumunta sa Quiapo dahil may ‘treat’ ang mga terorista at nanganganib ang sasamba.
Dahil sa panawagan ni P. Noy lalong dumami ang mananampalataya sa itim na Nazareno at inisnab ang ‘warning.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa panahon na dumarami ang mahihirap ay lalong marami daw ang tumatawag sa Lord para tulungan sila sa kani-kanilang problem sa life.
Ika nga, mas dumami ang nagdarasal ng mataimtim with matching nakaluhod pa sila.
Mas natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil kahit papaano sa kahirapan ng life ay may oras pa rin magdasal ng mataimtim ang madlang pinoy.
Sangdamukal ang naniniwala kabilang ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa time ng problema ang Lord lamang ang puede natin sandalan at kausapin para makatulong sa atin.
Sabi nga, Amen!
Hindi lamang mga mahihirap na nilalang ang makikita natin tumatawag kay Lord kahit mga richie rich ay nakaluhod din sa mga simbahan hindi sa kahirapan kundi dahil sa may sakit ang ilang sa kanila. Hehehe!
- Latest
- Trending