^

PSN Opinyon

Tanong sa sex

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Dok, gaano kadalas ako dapat mag-sex? Kasi po gusto ko nang maraming beses sa isang araw. Ako’y 24 years old. —Arnel

Arnel, hindi masama mag-sex araw-araw. Ang sex drive ng lalakI ay depende sa lebel ng testosterone ng kanilang katawan. Ang mga teenager hanggang edad 30 ay may napakataas na lebel ng testosterone sa katawan. Pag lampas 40 ay dahan-dahan na itong bababa.

Ito ang pahayag ni Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, “Sa edad 20, gusto mong makipag-sex 3 times a day. Sa edad 30, gusto mong mag-sex 3 times a night. Sa edad 40, nakikipag-sex ka ng 3 times a week. Sa edad 60 ay 3 times na lang ang sex sa isang buwan. Sa edad 70, try ka na lang ng try. At sa edad 80, you try to remember na lang kung paano nga makipag-sex.”

Gaano katagal dapat titigas ang ari ng lalake para masabing normal siya?

Kadalasan, tumatagal ng mula 45 minuto hanggang 1 oras ang erection ng lalake. Pangkaraniwan, dapat manatiling matigas ang ari hanggang mayroon pang nag-stimulate nito. At kailangan ay makatapos ang la-lake ng sex at makalabas ng semilya.

Bakit mas open sa sex ang mga dayuhan kumpara sa mga Pinay? --John

Siguro, John, mas mahiyain at konserbatibo ang mga Pinay. Pero alam mo, marami na ding modernong Pinay ngayon. Sabi nga ni Dr. Gatchalian, “Ang pagiging mahiyain ng Pinay ay dahil sa turo ng kanilang magulang. Napipigilan lang sila. Ngunit ang sexual drive ng Pilipino ay nandoon at nakatago lamang.”

vuukle comment

ARNEL

BAKIT

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. GATCHALIAN

EDAD

GAANO

KADALASAN

PINAY

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with