^

PSN Opinyon

The Second Cathedral

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KAHAPON ay pinasinayaan ang bagong paayos na Session Hall ng Konseho ng Maynila. Kapiling si Vice President Jejomar C. Binay at sa pakikipagtulungan at suporta ni Mayor Alfredo S. Lim, buong pagmamalaking niregalo ni Vice Mayor Isko Moreno at ng 8th City Council ng Maynila sa taumbayan ang pinakamagandang Session Hall sa kasaysayan ng Lungsod.

Ang mas pinalaki at pinagandang session hall ay ang kauna-unahang solar powered, wood-paneled, fully computerized, on-line streaming, at fully accessible na Sanggunian sa buong bansa. Ito ay dinisenyo upang maging higit na efficient at transparent ang serbisyo ng ating mga halal sa paraang nakagagaan sa kalikasan.

Katulad ng mga mamamayan ng Maynila, ang session hall ay progresibo. Subalit nananatili pa rin ito sa orihinal nitong kinalalagyan sa City Hall. Ang gustong sabihin ay bagama’t tayo’y nakatutok sa patutunguhan, hindi natin dapat tinatalikuran ang nakalipas.

Dahil kahit pa humanga tayo sa mga modernong kagamitan at sa mga matataas na poste at kolum na gawa sa konkreto at bakal, alam natin na ang totoong nagpapa­angat sa ating mga institusyon ay ang dugo, pawis at buto ng mga magigiting na binibini, ginang at ginoo na naging bahagi nito. Sila ang mga tunay na haligi ng Lungsod at sa kanilang mga balikat tayo titindig upang patuloy na manguna ang Maynila bilang Kapitolyo ng bansa.

Sa Konseho ipinagkatiwala ang lahat ng magandang layunin at hangarin ng Maynila. Dito nagtatagpo ang nagtutunggaling opinyon, kung saan tinitimbang ang mga pilosopiya, at ang kalahatang interes ay binabalanse sa pangangailangang lokal. Ito ang takdang lugar kung saan sinisilaban ang apoy ng puso at diwa ng Lungsod na siya ring nagpapaliyab sa dam­damin ng bansa.

Sila ang tunay na pinagdiriwang at ang kanilang ala-ala at sakripisyo ang ating pinahahalagahan. Kung wala sila ay wala itong lahat. Ang ka­nilang determinasyon, ka­rakter at walang kapagurang paglilingkod ay ang nagsisilbing inspirasyon upang manatiling karapat-dapat ang Konsehong tawagin na heart and soul of Manila.

Ang bagong session hall ng Maynila ay may matarik na kisame na gawa pa sa stained glass at may matatangkad na bintana – nang mabigyang lugar ang ating matayog na pangarap at nang makapasok ang sinag ng araw mula sa kalangitan. Tulad ng isang Katedral. Mga ka­ibigan, da­lawa na ang Manila Cathedral. This session hall is Manila’s Cathedral of Democracy­.

vuukle comment

CATHEDRAL OF DEMOCRACY

CITY COUNCIL

CITY HALL

HALL

LUNGSOD

MANILA CATHEDRAL

MAYNILA

SESSION HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with