Tulong sa mga biktima ni 'Sendong'
NANG humagupit ang bagyong Sendong noong Dis-yembre 17, 2011, nagdulot ito nang matinding pagbaha sa Cagayan de Oro City, Iligan City, Bukidnon at Negros Oriental. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabalik sa normal ang buhay ng mga naging biktima at napakarami pa ngang tulong ang dapat maiparating sa kanila tulad ng pagkain, gamot, tubig, damit at iba pa. Tuluy-tuloy naman na nagkakapit-bisig ang iba’t ibang grupo, mga ahensiya ng pamahalaan at maging ang iba’t ibang bansa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Napagkuwentuhan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang sitwasyon ng iba pang mga biktima ni Sendong sa ibang lugar. Partikular ang Lanao del Sur batay na rin sa report ng Bureau of Public Information ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na pinamumunuan ngayon ni ARMM OIC-Governor Mujiv Hataman.
Base sa report, 419 na barangay doon ang sinalanta ng bagyo kung saan ay 27,432 pamilya ang apektado. Ang mga ito umano ay nasa mga bayan ng Marantao, Kapal, Buadiposo Buntong, Piagapo, Maguing, Saguiran, Bubong, Ditsaan Ramain, Tamparan, Tugaya, Balindong, Poona Bayabao, Wao, Taraka, Bumbaran, Tagoloan, Lumbabayabao, Masiu, at Mulondo.
Ang mga biktima ay patuloy pa rin umanong nanga-ngailangan ng tulong na pagkain, tubig, gamot, banig at iba pa, at nananawagan ang ARMM ng dagdag na ayuda para sa mga ito. Nawa ay maipaabot sa mga biktima ni “Sendong” ang pangmahabaang ayuda para sa kanilang rehabilitasyon.
* * *
Birthday greetings: Director Nelson Hornilla ng Department of Labor and Employment Makati Field Office (January 10).
- Latest
- Trending