^

PSN Opinyon

Editoryal - Unang journalist na itinumba

-

PATULOY ang pagpatay sa mga mamamahayag at tila walang magawa ang gobyernong Aquino sa nangyayaring ito. Nangako pa si Aquino no­ong nangangampanya na poproteksiyunan ang mamamahayag subalit walang katuparan. Noong nakaraang taon, siyam na mamamahayag ang itinumba at wala pang nareresolba. Tila hinahamon pa ang Aquino administration ng mga nasa likod ng pagpatay sa mga mamamahayag. Minamaliit ang kakayahan ng kasalukuyang administrasyon kaya patuloy ang pagpatay.

Noong Huwebes, nadagdagan ang mamamaha-yag na itinumba sa ilalim ng Aquino administration. Si Christopher Guarin, 41, publisher-editor ng Tatak tabloid sa General Santos City ang binaril at napatay ng dalawang lalaking naka-motorsiklo. Pauwi na si Guarin sa kanilang bahay sakay ng kotse, kasama ang kanyang asawa at anak nang dalawang lalaking nakamotorsiklo ang bumuntot sa kanila. Binaril siya at tinamaan sa binti. Para hindi madamay ang asawa at anak, itinigil niya ang sasakyan at nagpatihulog. Nang nasa labas na ng sasakyan si Guarin, pinagbabaril siya ng mga lalaki. Nagmakaawa si Guarin pero patuloy pa rin siyang binaril. Nang inaakala nang patay ang mamamahayag, mabilis na tumakas ang mga lalaki. Isinugod sa ospital si Guarin pero dead-on-arrival na umano ito.

Si Guarin ang ika-10 mamamahayag na napatay sa ilalim ng Aquino administration. Si Guarin ang buena-mano sa 2012. Ilan pang mamamahayag ang mapapatay habang si Aquino ang nasa puwesto? Lantaran na ang pagpatay na para bang manok lang na binabaril ang mga mamamahayag. Wala nang takot ang mga mamamatay-tao.

Sabi ng Department of Interior and Local Government (DILG), gagawin nila ang lahat para mahuli ang mga pumatay kay Guarin. Isang task force na ang binuo para tugisin ang mga killer. Hindi raw titigil ang PNP hangga’t hindi nahuhuli ang mga pumatay kay Guarin.

Ganito rin ang sinabi ng mga awtoridad pagka-raang may mapatay na mamamahayag pero hanggang ngayon, wala pang nadadakip at naisasakdal. Isang katotohanan na walang proteksiyon na maaa-sahan ang mga mamamahayag sa pamahalaan.

Kailan kaya ang panahon na hindi malalagay sa panganib ang buhay ng mamamahayag?

AQUINO

GENERAL SANTOS CITY

GUARIN

ISANG

MAMAMAHAYAG

NANG

NOONG HUWEBES

SI GUARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with