^

PSN Opinyon

Illegal loggers, yari na!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

LIFE sentence ang ipapataw sa mga illegal logger na dapat noon pa isinabatas.

Kaya naman ang madlang people ay tuwang-tuwa sa galak dahil sa panukalang batas ngayon sa Kongreso.

Sabi nga, tama lang!

Hindi biro ang mga natigok dahil sa flush flood na tumama sa ibang provinces sa Philippines my Philippines kaya naman luhaan ang mga naging biktima nito.  Ang dahilan ‘illegal logging.’

Sabi nga, kinalbong bundok

Ayon sa “Sustainable Forest Management Act,”  dapat parurusahan ang madlang people na illegal na magpuputol ng mga puno lalo ang halaga nito ay  P500,000 sa mga kagubatan na walang permiso from the DENR.

Kasama sa batas ang pagpapataw ng habambuhay na kalaboso o himas rehas sa sinuman kamoteng bibili ng troso o tabla sa mga ilegal na torotot este mali magto-troso pala.

Saksi at naranasan ng madlang people all over the Philippines my Philippines ang flush flood, landslides echetera dahil sa mga bokal na kabundukan na walang tigil na nilalapastangan ng mga kamoteng miembro ng putol puno mula sa iba’t ibang provinces.

Ika nga, remember Ormoc, Cagayan de Oro City at Iligan provinces.

Hindi birong madlang pinoy ang namatay, nabaon at nalibing sa mga rumaragasang putik at billion of pesos ang mga nasi­rang ari-arian including siempre ang kanilang mga haybol dahil because of illegal logging.

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay may naglakas loob dyan sa Kongreso na naghain ng panukalang butas este mali batas pala para mayari na ang mga illegal logger sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, bigyan ng ultimatum para sa kanilang last rites? Hehehe!

Kaya naman nananawagan ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga kamote dyan sa DENR na ayusin ninyo ang trabaho para sa kaligtasan ng madlang people at huwag puro pitsa ang inaatupag ninyo dyan sa kabundukan.

Abangan.

Balasahin mo P. Noy

MUKHANG dehins matatapos ang January at may mauugang mga official sa dalawang sensitibong departamento ng government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, sisibakin?

Dumadagondong ang tsimis sa bawat kanto na malamang masama sa rigodon ni P. Noy o parang pinag-iisipan nito ang Bureau of Immigration at siempre ang National Bureau of Inves­tigation offices.

Umuugong na baka mawala sa linya ng kuryente este mali opisina ng gobierno pala sina NBI director Magtanggol Gatdula at siempre si BI Commissioner Ric David.

Sangkatutak ang nagdarasal sa immigration sa gagawin ni P. Noy na mapalitan si David.

Sabi nga, sana nga, amen!

Sangkaterbang kapalpakan ang nangyayari dyan sa immigration. Ang huli nga, ay ng matakasan sila ng isang notorious ng Koreano sa isang ospital na halos limang buwan ng nagpapagaling ata ng sakit sa tiyan.

Bakit?

May pitsa daw?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tama lang ang decision making ni P. Noy at siguro mas mainam kung isasama na rin sa balasahan ang iba pang mga kamoteng opisyal dyan sa bureau na nagsiyaman sa ngayon.

Sabi nga, puro brand new ang mga gamit. Tama ba, Atty. Mangrobang?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumulutang daw ang pangalan ng isang ‘d mak’ na posibleng pumalit kay David kapag pinalitan ito ni P. Noy.

Kambiyo issue, sa NBI naman ay mukhang namumuro si Tanggol dahil isinasangkot ito sa nangyaring pitsaan blues sa isang Japanese national.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dehins papatulan ni Gatdula ang mga ganitong pangyayari pero alaws tayong magagawa kasi nga may pointer inside NBI na tumitira kay Tanggol.

Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, last week na mukhang si CIDG director Sammy Pagdilao ang naiipit este mali napipisil pala para pumalit sa puesto ni Tanggol.

Abangan.

ABANGAN

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER RIC DAVID

KAYA

PHILIPPINES

SABI

TANGGOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with