^

PSN Opinyon

Mga idolo ni Topacio

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY mga tao na gustung-gusto talagang nalalagay sa kontrobersiya. Isa na rito si Ferdinand Topacio. Unang naging kontrobersyal ang abogado ng mga Arroyo nang magbigay ng hamon na patatanggal daw niya ang isa niyang itlog kung hindi bumalik si dating president Gloria Arroyo sa Pilipinas, kung natuloy man ang kanyang pag-alis. Sinulit talaga niya ang binabayad sa kanya ng mga Arroyo sa kanyang matinding hamon sa bansa. Ngayon, kontrobersyal na naman ang abogadong ito. Kulang sa pansin? Kayo ang humusga.

Nakita na may larawan ni Adolf Hitler sa kanyang opisina. Alam naman siguro ng lahat kung sino si Hitler. Masamang tao si Hitler. Alam ng lahat ito, tanggap ng karamihan ito. Ang mga alam ko lang na umiidolo kay Hitler ay mga kapareho niyang mag-isip. Sa utak ni Hitler, hindi dapat nabubuhay ang mga hindi perpektong tao katulad nila. Ang tinutukoy ko ay ang tinatawag na “Aryan Race”, o yung purong Aleman. Ang Nazi party ni Hitler ay nabubuo ng mga ganung tao. Iba ang kanilang pananaw sa regular na pulitiko at sundalo ng Germany sa panahon ng World War 2. Iba nga ang kanilang uniporme. Sila yung mga malulupit, sila yung mga walang-awa kung pumatay ng mga Hudyo, sila yung mga nagbabantay kay Hitler at mga kasangga nito. Ang kinatatakutang “SS” ang mga sundalo ng mga Nazi.

Sa pananaw ni Topacio, si Hitler daw ay magaling na lider, magaling na pinuno. Umasenso raw ang Germany sa ilalim ng kanyang pamumuno, at hindi naniniwala si Topacio na si Hitler ang may kagagawan ng “holocaust”, o yung pagpatay sa anim na milyong Hudyo, dahil lamang sa kanilang lahi. Mga tao sa ilalim lang daw niya ang may kagagawan, at hindi siya. Kung ganun, anong klaseng pinuno pala siya kung hindi niya alam o wala siyang kontrol sa mga tauhan niya? Dapat magbasa ng mga libro ng kasaysayan si Topacio, at tila baluktot ang kanyang pananaw ng mga nangyari noong World War II. Para na rin siya yung mga hindi naniniwala na naganap nga ang “holocaust”, at ipinagtatanggol si Hitler. Sa totoo nga, pumunta na lang siya ng Germany at doon niya ilabas ang kanyang mga pananaw. Tingnan natin kung anong klaseng reaksyon ang kanyang matatanggap. Ilang dekada nang gustong makalimutan ng Germany ang iniwang pamana ni Hitler, pero eto ang isang Pilipinong abogado na umiidolo pa! Sinabi rin niya na magaling siya bumasa ng karakter ng tao, kaya niya tinanggap ang mga Arroyo bilang kliyente. Kung ganun, magkasama na sila ni Hitler. Mga iniidolo ni Topacio.

ADOLF HITLER

ALAM

ANG NAZI

ARYAN RACE

HITLER

KUNG

NIYA

TOPACIO

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with