^

PSN Opinyon

'Panawagan ng isang ama sa Our Lady of Mercy School'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

NITONG nakaraang Biyernes, naipalabas sa BITAG ang apat na kaso ng panduduro’t pananakit ang nailapit sa amin sa taong 2011 o ang Bully Special.

Isang amang overseas Filipino worker (OFW) ang agad tumugon sa palabas na ito.

Sa napanood niyang mga kaso ng pambu-bully, naalarma siya sa anak na nandito sa Pinas na naka­raranas ng parehong kaso.

Kung lingid pa sa kaalaman ng eskuwelahan ang pambu­-bully sa loob ng kanilang paaralan, sa espasyong ito, nais naming maiparating sa pamunuan ang panawagan ng kanilang estudyante.

Narito ang kanyang e-mail:

 Ako po ay isang ama na nagtrabaho dito sa UK, sumulat po ako dahil sa nababahala po din ako sa anak ko na nag-aaral sa Our Lady of Mercy School dyan sa may Common­wealth Avenue, napanood ko po yung episode nyo na Bully Special sa Bitag. Naalala ko po kasi na minsan­ sinabi ng anak ko na binu-bully sya ng ibang kaklase nya sya po ay naaapektuhan sa kanyang pag-aaral dahil gusto nyang lumipat ng school  sana po mabigyan nyo din ng pansin ang eskwelahan na ito sa may commonwealth at maaksyunan po ninyo malaking epekto po sa aking anak ang pagbu-bully ng mga kaklase nya. umaasa po ako na malaman ko po sana na naaksyunan po nyo ito. Maraming salamat po. (name withheld)

Ang katotohanan, nakakabahala ang epekto ng bullying sa mga nagiging biktima nito dahil hindi agad nakikita ang epekto. Ang mahirap kung inililihim mismo ng mga biktima.

Sa mga kaso ng pambubully sa mga paaralan, malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro, principal at mga kawani ng buong eskuwelahan para labanan ang bullying.

Naniniwala ang BITAG na ang eskuwelahang tinutukoy sa panawagang ito ay may manual na striktong sinusunod upang maprotektahan ang sinumang estudyanteng magiging biktima ng pambu-bully.

Umaasa ang BITAG na sa kolum na ito, mabibigyan ng kasagutan ang panawagan ng amang OFW.

Bukas ang tanggapan ng BITAG para sa Our Lady of Mercy School upang makuha ang pangalan ng estudyanteng kasaluku­yang dumadanas ng pambu-bully.

BITAG

BIYERNES

BUKAS

BULLY

BULLY SPECIAL

ISANG

MERCY SCHOOL

OUR LADY

OUR LADY OF MERCY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with