^

PSN Opinyon

GMA, FG dawit na sa NBN-ZTE

SAPOL - Jarius Bondoc -

SINAKDAL ng katiwalian sina Gloria Arroyo, Mike Arroyo­, dating transportation-communications secretary Leandro Mendoza, at dating Comelec chairman Benjamin Abalos­. Lilitisin sila ngayon ng Sandiganbayan. Ma­raming implikasyon ang paghablang ito nu’ng Huwebes ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Una, katiwalian lang ang sakdal laban kina Gloria, Mike at Mendoza. Ito’y bagama’t ang isinampang reklamo nina Rep. Teddy Casiño at aktibistang sina Liza Maza at Carol Araullo ay pangungulimbat (plunder). Ayon sa Ombudsman panel na nag-imbestiga, hindi sapat ang ebidensiya ng pangungulimbat, pero sobrang-sobra ang sa katiwalian.

Ikalawa, meron naman pala talagang prima facie evidence­ laban kina Gloria, Mike at Mendoza, kaya nakitaan sila ng probable cause ng katiwalian. Nu’ng Mayo 2010, inalis silang tatlo ni noo’y-Ombudsman Merceditas Gutierrez sa charge sheet dahil wala raw katibayan ng pagkakasangkot. Tinalikuran ni Gutierrez ang ilang punto: ang pagmamadali ni noo’y Presidente Gloria ng kontratang labag sa interes ng mamamayan; ang pakikipag-golf nina Gloria at Mike sa executives ng ZTE Corp. sa China nang niluluto pa ang deal nu’ng Disyembre 2006; at ang pagpirma dito nina Mendoza at Gloria nu’ng April 2007.

l Marami pa ring pinalusot sa sakdal si ngayo’y Ombuds­man Morales: Sina transportation-communi­cations assistant secretaries Lorenzo Formoso at Elmer Soñeja; ang mga alipores ni Abalos na sina Ruben Reyes, Leo San Miguel, General Quirino dela Torre, at Jimmy Paz; at executives ng ZTE Corp. na sina Yu Yong, Hou Weigui, George Zhu Ying, at Fan Yan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BENJAMIN ABALOS

CAROL ARAULLO

ELMER SO

FAN YAN

GENERAL QUIRINO

GEORGE ZHU YING

GLORIA ARROYO

HOU WEIGUI

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with