^

PSN Opinyon

EDITORYAL-Pagkatapos ng putukan, daming basurang naiwan

-

ANG daming basura sa maraming lugar sa Metro Manila. Umaalingasaw. Mabaho. Nakadidiri. Ang mga basurang ito ang tumambad makaraang magdiwang ng bagong taon kahapon. Karamihan sa mga basura ay hindi nabubulok gaya ng tray ng prutas, balot ng litson, styrofoar, plastic cup ng gulaman, plastic bottle ng softdrink at tubig, plastic bag ng groceries at iba pang plastic na lalagyan. Idagdag pa riyan ang mga hulmahan ng sinindihang fountain, trompillo, lusis at iba pang pailaw. Ang mga basurang ito kapag nahulog sa imburnal o kanal ay magbibigay ng problema sa hinaharap. Dahil hindi natutunaw, magbabara ang mga ito sa daanan ng tubig at magdudulot ng pagbaha kagaya ng nangyari sa Cagayan de Oro at Iligan cities nang manalasa ang bagyong “Sendong” noong nakaraang Disyembre 17, 2011 na ang bilang ng mga namatay ay umabot sa 1,200. Mga basura rin ang dahilan kaya grabe ang pagbaha noong Setyembre 26, 2009 sa Metro Manila makaraang manalasa ang bagyong “Ondoy”. Pawang basura ang tinangay sa loob ng mga bahay sa Provident Village, Marikina. Umabot sa second floor ang baha at sa bubong ng bahay na-rescue ang mga residente.

Kahapon ay masamang tanawin ang bumulaga sa mga taga-Metro Manila dahil sa bunton ng basura. Habang sinusulat ang editorial na ito, wala pang mga trak ng naghahakot sa mga basura. At dakong hapon, may mga lugar na bumuhos ang ulan. Sa Quezon City, kung saan maraming tambak na basura, ay bumuhos ang malakas na ulan dakong alas-tres ng hapon na naging dahilan para magbaha. Maaaring may natangay ng mga basura patungo sa kanal at imburnal. Hindi na makukuha ang basurang nahulog at doon na aabutin ng mga paparating na sama ng panahon.

May basurang nagbabara dahil na rin sa walang disiplinang mamamayan. Kung magkakaroon ng ‘‘kamay na bakal’’ ang pamahalaan laban sa mga walang disiplinang mamamayan, bakasakaling maiwasan na ang pagbaha. Dapat turuan ng leksiyon ang mga sutil na mamamayan. Umpisahan ngayong 2012.

BASURA

DAHIL

DAPAT

DISYEMBRE

HABANG

IDAGDAG

METRO MANILA

PROVIDENT VILLAGE

SA QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with