BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang people ng Happy New dear este mali Year pala.
Sana sa pagpasok ng bagong taon ay guminhawa lalo ang buhay ng bawat pinoy sa Philippines my Philippines maiwasan ang lahat ng uri ng delubyo na maaring dumating sa buhay ng isang kamote.
Maganda ang year - 2012, dahil muli na naman uutuin este pupustura ang mga pulitiko na tatakbo sa susunod na eleksyon sa 2013.
Sabi nga, pangakong umaatikabo muli!
Ika nga, tiyak na mapapako. Hehehe!
Anyway, Happy New Year madlang people!
Pagdilao sa NBI?
TOTOO kaya ang nasagap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagretiro ni CIDG director Sammy Pagdilao ay may pag-asa itong pumasok bilang director ng National Bureau of Investigation.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sana nga !
Boto ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung si Pagdilao ay magiging NBI director dahil bukod sa abogado ito ay Aer pa.
Sabi nga, hindi nasangkot sa mga katiwalian si Sammy!
Anyway, abangan!
MPD Supt. Rolando Tumanlad
KAMUSTAHIN natin ang mga tauhan ni Supt. Rolando Tumanlad, patong este mali Station Commander pala ng MPD Sub. station 1 dyan sa Gagalangin, Tondo, tungkol sa barilan nangyari noon Dec.24.
May mga binoga ang mga kamote mga teenager sa may St. Joseph Church siempre marami ang nasaktan dahil sa stampede.
Siyanga pala, ang police block station ay ga-lundag lang ang layo sa ikinukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO, pero mukha yatang napabayaan ang gulo ng mga foolish cop sa block.
Wala rin ginawa ang Police station 1 sa gulong ito.
Bakit?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagod sa kaka-orbit ang mga foolish cop.
Sino ba si Tata Rolly, Supt. Tumanlad parang madalas dito ang mga boy mo?
'hindi biro ang gulo sa Gagalangin halos gabi-gabi ay may nangyayaring kamotehan dito pero alaws aksyon ang mga pigoy.' sabi ng kuwagong kinokotongan.
'wala bang disiplina ang mga foolish cop dyan?' Tanong ng kuwagong SPO-10 - sa Crame.
'Itanong mo kay MPD director Alex Gutierrez, CPNP Nick Bartolome o kay NCRPO director Allan Purisima.'
Abangan.
Paje at illegal logging
BINABATO ngayon ng utot este mali sisi pala ang DENR dahil sa nangyaring sakuna sa Iligan at Cagayan de Oro City.
Hindi kasi biro ang nangamatay dito up to now ay marami pa ring missing at ang sinirang ari-arian ay billion of pesos.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sisi ay ibinabato ng todo sa DENR pati ang mga opisyal sa Cagayan de Oro City sila ang binabatikos dahil napabayaan ang kabundukan.
Sabi nga, nakalbo dahil sa illegal logging.
Ganito rin ang mga tirada sa Iligan City sa DENR din ang sisi.
Kulang na lang sabihin ng madlang people sa dalawang nasabing lugar na magbitiw sa puesto si DENR Secretary Ramon Paje.
Sabi nga, command responsibility !
Dahil sa pangyayari marami ang naghuhugas kamay para huwag masisi pero alam naman ng madlang people sa Philippines my Philippines kung sino ang dapat managot.
Sabi nga, bawal ang madlang people sa tabing dagat at bawal din ang illegal logging.
Abangan.