MAGBABAGONG taon na at isang napapanahong hakbang ang ginawa ni Presidente Noynoy Aquino na hangad nating magtatagumpay. Bago mag-pasko, lumikha ang Pangulo ng isang inter-agency task force na magpapa-lakas sa sistema sa pagsubaybay at pag-uulat sa gawain ng mga ahensiya ng pambansang gobyerno. Ito’y sa bisa ng Administrative Order No. 25. Magkakaroon ng pinag-isang Results-Based Performance Management System (RBPMS) sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, magiging simple ang prosesong sa byurukrasya. Magiging transparent o lantad sa tao ang gawain ng gobyerno para matukoy ang mga dapat managot sa mga katiwaliang nangyayari. Magkakaroon ng “transparency, accoun-tability, participatory and effective governance” sa bisa ipatutupad na reporma.
Kapansin-pansin na hindi magkakatugma ang sistema ng iba-ibang departamento sa pagmomonitor at pag-uulat sa Pangulo. Maraming oras ang naaaksaya dahil mali at walang bisa ang ebalwasyon sa tungkulin ng mga departamento at ahensiya. Paulit-ulit lang ang mga datos.
Ani Ochoa na kinakailangan ang pagkakaroon ng tinatawag na Common Set Performance Scorecard and Government Executive Information System para matugunan ang mga suliranin sa pagtimbang sa ginagawa ng mga sangay ng gobyerno.
“In order to attain Millennium Challenge Corporation (MCC) compact status, the Philippine government had previously committed three Policy Improvement Processes (PIPs) to further improve good governance. One of them is the introduction and institutionalization of a balanced scorecard framework,” ang pagbibigay-diin ni Ochoa.
“So, there is a need for this unification of the efforts of government agencies mandated to exercise broad oversight of government agencies’ performance relative to our commitments and targets, as well as the National Leadership’s Agenda and Philippine Development Plan 2011-2016” ani Ochoa.
Idinagdag ng Executive Secretary na ang hakbang ng administrasyon ay isa ring paraan para lalong palakasin ang mga pampublikong institusyon at mapanatili ang tiwala ng publiko sa gobyerno.