Help Samson Go
ASKING for HELP ! ang pamilya ni Samson Go dahil nangangailangan ito ng type A negative na blood para maisalin agad sa kanya.
Sa mga pinoy na may magandang loob, nananawagan si Ms. Janet Go na tulungan si Samson.
Sa mga gustong tumulong na mag-donate ng dugo kay Samson Go, maari ninyong tawagan ang Cardinal Santos Hospital sa tel. 727-0001 o kaya ipa-connect sa room 628.
Maaari ring tumawag kay Janet sa 0917 - 5412153.
PNP gun sealing
NATIONWIDE ang kampana este mali kampanya pala ng PNP sa gun sealing ng kanilang mga tauhan para matiyak na dehins sila magpapaputok ng boga sa pagpasok ng New Year.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang problema lamang sa ganitong situasyon ay dehins pala kayang disiplinahin ng pamunuan ng PNP ang kanilang mga bata kaya tuloy marami sa mga ito ang nasasabit sa iba’t ibang case problem.
Sabi nga, may mamamatay tao, nanghoholdap, nanggagantso, nangongotong echetera.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung matitino ang mga police at may respeto sa kani-kanilang mga commander sana hindi na kailangan pa ang nationwide gun sealing.
Sabi nga, walang disiplina kasi.
Maraming foolish cop ang mainit sa gatilyo ng boga parang nangangati ang kanilang mga daliri oras na hindi makapagpaputok pagsapit ng Bagong Taon.
Kaya naman may mga nadidisgrasiya dahil sa mga kamoteng cop na alaws ginawa kundi ang magyabang sa kanilang mga kaharap o kapitbahay.
Siguro panahon na rin para ipalasap sa mga foolish cop ang kamay na bakal na bago sila sibakin sa kanilang tungkulin dahil sa indiscriminate firing mas maganda kung sa lugar d’yan sa Mindanao na may giyera muna sila ipadala para nga naman masanay sila ng kakaputok ng may kalaban.
Sabi nga, ang mamalasin dedbol!
Next year hintayin ng madlang people ang report ng PNP kung ilan sa kanilang anay este mali hanay pala ang sumuway sa utos ng higher headquarters.
Abangan.
Palparan sa paliparan
DEHINS nakaporma si tired este retired Major General Jovito Palparan ng dehins siya paalisin sa Diosdado Macapagal International Airport d’yan sa Clark para lumipad going to Singapore.
Sabi nga, naunsyami o bad trip!
Nasa watchlist si Palparan ng immigration kaya dehins siya pinayagan umalagwa sakay ng aircraft d’yan sa DMIA noon.
Ika nga, nasayang ang despedida kung meron man? hehehe.
Isinasangkot kasi si Palparan et al sa pagkawala ng dalawang UP students at iba pang case problem kaya hayun dehins siya pinatutulog ngayon.
Sabi nga, may parang multong nakasunod sa kanya?
Wanted man na si Palparan hindi na biro ngayon ang kanyang buhay dahil pinaghahanap na siya ng lahat ng mga authorities sa Philippines my Philippines kaya papalit- palit na siguro ito ng lungga.
Sabi nga, jumping from one place to another.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang pag-asa si Palparan na magtago sa bundok dahil mas delikado aniya ito doon kasi nga andoon ang kanyang mga ‘mortal enemies.’
Sino iyon?
Madlang people na no permanent address ang isa rin sa mga naghahanap dito.
Ngayon ay may patong na sa ulo si Palparan dahil may reward na ito kung nosi ang makakapag-turo kung nasaan siya naka-lungga.
Lumabas kaya si Palparan?
Iyan ang itanong ninyo sa kanya.
Abangan.
- Latest
- Trending