'Medical Investigation'
HINDI biro ang mga usaping kapalpakan o kapabayaan ng mga dalubhasa lalo na sa larangan ng medisina.
Nitong taong 2011, naging maingat ang BITAG sa mga imbestigasyong ginawa ng aming grupo.
Ito’y dahil na rin sa mga reklamong ipinaabot sa aming tanggapan, kaya kami nanghimasok at nagsagawa ng medical investigation sa tulong na rin ng mga propesyunal sa larangang ito.
Napanood sa aming dokumentasyon ang mga pagkukulang at kamalian na dapat i-tama. Hindi lamang ang BITAG ang nagsalita rito kundi maging ang mga dalubhasa sa medisina, kagawaran ng kalusugan, at Asosasyong Pang-medikal ng Pilipinas.
Lahat ng reklamo nagsimula sa bintang na medical malpractice dahil sa palpak na resulta ng isang maling operasyon o maging ang kakulangan sa paglalapat ng karampatang lunas.
Isa sa mga kasong ito ay ang bangungot na resulta ng bust implant. Matinding impeksyon sa dibdib ang kinahantungan ng pasyenteng ang kagustuhan lamang ay magpaganda ng katawan.
Sa kasong ito, nabigyang linaw na malaki ang kahalagahan ng resistensya ng isang pasyenteng sumasaila- lim sa mga ganitong seryosong operasyon.
Malaking porsiyento na sa mga bust enhancement o may inilalagay na foreign object sa katawan ng tao, hindi maganda ang nagiging resulta kapag hindi positibo ang reaksiyon ng ating katawan.
Ganunpaman, hindi pa rin lusot ang sinumang duktor sa mga kasong tulad nito. Ang kanilang propesyon ay may kaakibat na pananagutan upang mapabuti ang pasyente at hindi ito pabayaan.
Isang pambihirang kaso naman ang tumatak din sa BITAG hinggil sa pagkamatay ng isang diabetic patient dahil sa nakakatakot na kaso ng anaphylactic shock.
Walang nahusgahan sa reklamong ito, subalit lu-malabas sa aming imbestigasyon na kung agad nalamang anaphylactic shock ang umatake sa pasyente, posible itong maagapan.
Sa BITAG, hindi kami basta-basta nanghihimasok. Dumadaan kami sa ma susing pag-aaral, pag-aanalisa at pagre-research upang makita ang dahilan ng problema.
Mapapanood sa susunod na Biyernes ang mga kasong ito sa BITAG.
Abangan ngayong Biyernes ang Bully Special ng BITAG sa taong 2011 kung saan mula sa bully na ka-klase, bully na amo, bully na tanod at bully na kapitbahay, nakaharap ng BITAG.
- Latest
- Trending