“Maligayang Pasko po, Dr. Elicaño. Matagal na po akong tagasubaybay ng PSN at wala ibang binabasang diyaryo ang pamilya namin kundi ito. Marami kaming nalalamang impormasyon.
Gusto ko pong itanong kung ulcer ang nararamdaman kong pananakit ng tiyan sa dakong harapan na tumatagos hanggang sa bahaging likuran. Mas nadarama ko po ang sakit matapos kumain at pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin.
Pagpayuhan mo po ako Doktor. God bless.” —FRANCISCO MALABANAN, San Pablo City, Laguna
Maligayang Pasko sa iyo at lahat ng tagasubaybay ng Pilipino Star NGAYON.
Base sa iyong sulat, ang iyong nararamdaman ay mga sintomas ng stomach ulcer. Pero mahalaga pa rin na masuri ka ng doktor para matiyak kung ulcer nga iyan. Payo ko, magpa-checkup ka muna para magkaroon ng kapanatagan ang loob mo.
Walang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ulcer pero sinasabing dahil ito sa pagpapalit ng mucous membrane sa lining ng sikmura. Ang stomach ulcer ay maliit na bahagi lamang sa lining or mucosal membrane sa sikmura na may sukat na 15 hanggang 25 mm. at hugis oval. Karaniwan nang makikita ang ulcer sa lugar kung saan ay nagbubukas ang sikmura sa duodenum. Ang doudenom ay unang bahagi ng maliliit na bituka na makikita sa ibaba ng posterior wall.
Isa rin sa mga sintomas ng stomach ulcer ay pagkaranas nang matinding pagkagutom.
Ipinapayo sa mga may ulcer na huwag masyadong mag¬¬papakabusog. Iwasan ang mga maman¬tikang
pagkain, spicy at coffee. Huwag uminom ng alak at ma¬nigarilyo.
Maaaring magkaroon ng kumplikasyon dahil sa pagbabara ng stomach outlet (pylorus) Nangyayari ito dahil sa formation ng scar tissue.
Ipinapayong dalhin kaa¬gad sa ospital ang pasyente para maisagawa ng doktor ang operasyon sa bahagi ng stomach na may ulcer.