Dasal para sa mga biktima ni 'Sendong'
Kami ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at buong pamilya Estrada ay nag-aalay ng panalangin para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City at Iligan City kung saan mahigit 1,000 ang namatay at marami pang nawawala.
Mahigit isang bilyong piso naman ang inisyal na estimate sa halaga ng mga napinsala laluna sa imprastraktura.
Si “Sendong” umano ang pinaka-matinding bagyo na dumaan sa Northern Mindanao sa loob ng nagdaang limang dekada.
Kaugnay nito, nagkakapit-bisig ang mga kababayan, mga ahensiya ng gobyerno, mga pribadong grupo at ang iba’t ibang mga bansa at United Nations para sa pagtulong sa mga biktima.
Aminado naman ang mga kinauukulan na napaka-rami pang tulong ang dapat na agarang maibigay sa mga nasalanta tulad ng pagkain, tubig, gamot, damit at iba pang pangangailangan. Hindi pa umano pinag-uusapan dito sa ngayon ang rehabilitasyon ng mga residente at mismong mga komunidad.
Sama-sama tayong magdasal para sa pagbangon ng mga nasalantang kababayan at para sa kanilang makabuluhang Pasko sa kabila ng sinapit na trahedya.
* * *
Birthday greetings: Dr. Natty Madariaga Tolentino (December 24); Iloilo Governor Arthur Defensor (Dec. 25); at Manay Ichu Maceda (Dec. 26).
- Latest
- Trending