Taun-Taon, itinuturing ng BITAG na mapanganib ang bawat drug operations na aming idinodokumento kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dahil gaano man kaingat ang paghahanda ng mga drug operatives, laging kakambal nito ang mga disgrasyang puwedeng maganap sa buhay ng mga operatiba.
Saksi ang BITAG sa masususing pagpaplano sa bawat operasyon na kadalasan ay umaabot ng ilang buwan bago isinasagawa ang aktuwal na paglusob o raid.
Dokumentado ang bawat proseso maging ang transaksiyon ng mga PDEA undercover sa mga target na suspek.
Nakita ng BITAG kung gaano ka-delikado ang buhay ng mga undercover drug operatives ng pdea na nagpapanggap na gumagamit o tulak .
“Lubog” ang tawag sa kanila na humahalo sa mga lugar na notoryus sa droga.
Nakasalalay sa kalidad ng kanilang trabaho ang magiging desisyon ng hukuman upang makakuha ng search warrant at maisagawa ang raid o paglusob.
Step by step, ipinapakita namin. Kung kaya’t ang bawat drug operations nagpapakita ng mga aktuwal na ikinikilos ng mga operatiba sa pamamagitan ng kanilang mga taktika at prosesong sinusunod (tactical and procedural).
Hindi nagbabago ang estilo at iisa lang ang pamantayang sinusunod ng BITAG sa bawat drug operation na aming sasamahan.
Hindi ito ’yung programang inaaliw ang mga manonood at ginagawang katatawanan ang mga suspek sa kanilang iligal na gawain.
Malaking problema ang droga sa bansa kaya’t kinakailangan din ng seryosong hakbang mula sa pama-
halaan.
Sa kolum at programang ito, pinupukaw namin ang mga manonood na makipagtulungan upang maisalba ang kanilang komunidad laban sa droga.
Panoorin ngayong Biyernes ang tatlo sa apat na maaksiyong drug operations na matagumpay na nahulog sa patibong ng PDEA kasama ang BITAG sa taong 2011.
Habang ang ikaapat, lumabas na sarsuwela’t bara-bara na tila kurtisiya na lamang ng mga operatiba ng pdea-Cordillera Administrative Region (CAR).
Alas 8:15 ng gabi sa AksiyonTV41 at alas-10 ng gabi sa TV5.