^

PSN Opinyon

'Tactical at procedural operation'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

Taun-Taon, itinuturing ng BITAG na mapanganib ang bawat drug operations na aming idinodokumento kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dahil gaano man kaingat ang paghahanda ng mga drug operatives, laging kakambal nito ang mga disgrasyang puwedeng maganap sa buhay ng mga operatiba.

Saksi ang BITAG sa masususing pagpaplano sa bawat operasyon na kadalasan ay umaabot ng ilang buwan bago isinasagawa ang aktuwal na paglusob o raid.

Dokumentado ang bawat proseso maging ang transaksiyon ng mga PDEA undercover sa mga target na suspek.

Nakita ng BITAG kung gaano ka-delikado ang buhay ng mga undercover drug operatives ng pdea na nagpapanggap na gumagamit o tulak .

“Lubog” ang tawag sa kanila na humahalo sa mga lugar na notoryus sa droga.

Nakasalalay sa kalidad ng kanilang trabaho ang magiging desisyon ng hukuman upang makakuha ng search warrant at maisagawa ang raid o paglusob.

Step by step, ipinapakita namin. Kung kaya’t ang bawat drug operations nagpapakita ng mga aktuwal na ikinikilos ng mga operatiba sa pamamagitan ng kanilang mga taktika at prosesong sinusunod (tactical and procedural).

Hindi nagbabago ang estilo at iisa lang ang pamantayang sinusunod ng BITAG sa bawat drug operation na aming sasamahan.

Hindi ito ’yung programang inaaliw ang mga manonood at ginagawang katatawanan ang mga suspek sa kanilang iligal na gawain.

Malaking problema ang droga sa bansa kaya’t kina­kailangan din ng seryosong hakbang mula sa pama-

halaan.

Sa kolum at progra­mang ito, pinupukaw namin ang mga manonood na makipagtulungan upang maisalba ang ka­nilang komunidad laban­ sa droga.

Panoorin ngayong Biyernes ang tatlo sa apat na maaksiyong drug ope­rations na matagumpay na nahulog sa patibong ng PDEA kasama ang BITAG sa taong 2011.

Habang ang ikaapat, lumabas na sarsuwela’t bara-bara na tila kurtisiya na lamang ng mga operatiba ng pdea-Cordillera Administrative Region (CAR).

Alas 8:15 ng gabi sa AksiyonTV41 at alas-10 ng gabi sa TV5.  

BIYERNES

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DAHIL

DOKUMENTADO

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HABANG

LUBOG

MALAKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with