^

PSN Opinyon

Mga kalaban ng estado?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA wakas, kinasuhan na rin si retired Maj. Gen. Jovito Palparan at tatlong mga tauhan niya, sa kasong kidnapping at serious illegal detention. Dalawang estudyante ng University of the Philippines ang nawawala mula pa noong 2006, at ayon sa ilang testigo, si Palparan at kanyang mga sundalo ang nasa likod ng pagdadakip. Binasura na muna ang mga kasong rape, torture, serious physical injury, arbitrary detention at maltreatment of prisoners, malamang dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Hindi pa lumulutang ang dalawang estudyante, buhay man o patay, kaya hindi pa sila makasuhan ng murder.

Ang mga testigong nagbigay ng mga salaysay ay dinakip din ng mga tauhan ni Palparan. Nakita raw nila sa loob ng isang militar na kampo ang dalawang babae. Nakausap pa raw ng isang tumestigo ang isa sa mga babae, at sinabing ginahasa raw siya ng mga sundalo. Lahat ito, hindi binigyan ng timbang ng mga humawak ng kaso sa nakaraang administrasyon. Pero iba na ang gobyeno ngayon. Umaandar na ang mga kaso. Kaya tingnan mo na sila ngayon – Abalos, Palparan pati na rin si Arroyo – lahat kinasuhan at ang dalawa ay arestado na’t nakakulong na.

Di ko naman alam kung ano ang magagawang danyos ng dalawang estudyanteng babae sa gobyerno, na kailangang hulihin ng mga sundalo? Sabihin na natin, para na lang sa argumento, na sila’y hindi sang-ayon sa pagpapatakbo ng gobyerno. Na iba ang kanilang idolohiya pagdating sa pulitika at pagpapatakbo ng lipunan. Eh hindi ba demokrasya tayo? May mga ganyang tao ngayon sa Kongreso mismo! Bakit hindi sila hulihin na rin ng sundalo? Dahil hindi sila babae na magagahasa? Ibang usapan kung armado sila at linalabanan ang gobyerno. Ganun ba ang ginawa ng dalawang babae nang mahuli sila? May sukbit bang mga armas?

Mataas ang respeto ko sa sundalo. Sila ang tagapagtanggol ng bansa sa mga kalaban nito, dayuhan man o lokal. Pero hindi ang ga­ nitong klaseng sundalo, na dumadakip na lang ng mga sibil­yan na hindi naman armado, at Diyos na lang ang nakaaalam kung ano ang kanilang ginagawa sa kanila! May tamang lugar para kasuhan ang mga tunay na kalaban ng estado, at hindi sa Fort Magsaysay o sa Camp Tecson, o kung saan pang kampo ng militar. Hanggang ngayon, sina Karen Empeño, Sheryl Cadapan at Jonas Burgos ay hindi pa makita, hindi pa malaman kung buhay pa o pinatay at tinapon na. Iilan lamang sa mga nawala na lang, sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, na dating Commander-in-Chief ng buong AFP. Sana mga makamit na ng kanilang mga nagdudusang kapamilya ang hustisya! Hustisyang kapantay sa krimen na nagawa!

CAMP TECSON

FORT MAGSAYSAY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JONAS BURGOS

JOVITO PALPARAN

KAREN EMPE

PALPARAN

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with