NATUTUWA ang lahat ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO kasama siempre ang Chief Kuwago ng mabalitaan nila na pumasa sa Civil Service Commission Professional Examination last Oct. 16, 2011, ang kanilang darling na si Ate Candy.
Kaya naman lundagan ang mga kamote dahil sa tuwa at galak. Hehehe!
Ate Candy, keep up the good work!
Congrats again. Mwuah!
Putakan nina P.Noy at CJ Corona
MUKHANG alaws ng maasahan ang madlang people sa nangyayaring putakan ng dalawang magigiting na opisyal ng gobierno ng Philippines y Philippines tsismis na lang para sa atin ang dating ng kanilang putakan este mali bangayan pala.
Nakakasa ang kanilang mga sandata sa bawat tira ni P.Noy siempre kailangan sanggain ni CJ Corona ngayon dahil hindi pupuede ang pananahimik na ginawa nito tulad ng dati.
Ang problema nga lamang ang economy ng Philippines my Philippines ang affected plus ang madlang people partikular ang mahihirap na mamamayan sa nangyayaring mala-giyerang bangayan ng ehekutibo at ng hudikatura.
Hindi yata alam ng Philippines my Philippines government o nakakalimutan lamang nila na malaki ngayon problem sa economy ang America at sa Europe kaya naman kung patuloy ang banggaan ng dalawang 'giant' sa Malacañang at Supreme Court tiyak maapektuhan ang pagpasok ng mga gustong mag-business sa atin.
Bakit? Sabi nga, matatakot!
Kasi nga naman mauga ang gobierno dahil sa tirahan at batuhan ng baho ng bawat kampo kaya naman ang nangyayari mahahati ang madlang people dahil may papanigan ang bawat isa sa mga ito.
Kaya naman tiyak na alaws negosyante ang papasok sa Philippines my Philippines para gumawa ng negosyo kung hindi matatag ang situation ng politics dito.
Hindi biro ang nagbabanatan ng dalawang higante ito sa Philippines my Philippines kaya kapag hindi ito nahinto sa lalong madaling panahon tiyak ang mga mahihirap at mga negosianteng pinoy ang mayayari.
Huwag natin hayaan mangyari ang hindi dapat mangyari kawawa ang madlang people dahil sila ang papasan ng nangyayaring giyera patani ngayon kasi nga walang magtitiwalang mga negosiante sa abroad ang papasok sa Philippines my Philippines para maglagak ng kanilang salapi.
Sabi nga, mga segurista ang mga negosiante ang gusto nila ay kumita hindi ang puro daldal at walang katuturan.
Walang kinakampihan ang mga kuwago ng ORA MISMO, nagsasabi lamang sila ng totoo dahil pati ang mga kamoteng ito ay apektado rin kapag lumala pa ang situation.
Sabi nga, God is watching them!
Abangan.