'Green lifestyle': Ilang pamamaraan
LUMALALA ang climate change. Umiinit ang panahon, tumitindi ang bagyo, at tumataas ang tubig-dagat dahil sa pagtaas ng temperatura sa mundo. Lahat tayo ay nakakadagdag sa greenhouse gases. Kumakalat ngayon sa Internet ang 101 paraan para maibsan natin ang climate change. Dalawampu lang ito sa mga tips para sa “green lifestyle”:
(1) Magtipid sa kuryente; palitan ng compact fluorescent light (CFL) ang incandescent bulbs, 75% bawas sa kuryente pero 13 ulit ang haba ng buhay. (2) Magsindi ng ilaw kung kailangan lang. (3) Ipatay ang ilaw at appliances pag-alis sa silid. (4) Huwag i-overcharge ang cell phone. (5) Bunutin ang appliance kapag hindi ginagamit; kumukonsumo ng kuryente ang TV, stereo, video player, aircon, at computer habang naka-standby.
(6) Bumili ng appliance na energy-efficient; alamin ang energy efficiency rating nito. (7) Panatilihing naka-kundisyon ang appliance para tipid-kuryente. (8) Ipatay ang computer sa gabi; ilimita ang paggamit sa apat imbis na 24 oras. (9) Linisin ang mga bumbilya para maliwanag. (10) Mag-electronic banking at pagbayad sa credit card.
(11) Sa pagmamaneho iwasan ang biglang andar na nakakadagdag konsumo ng gasolina nang 50%. (12) Maglakad o bisikleta kung maikli lang ang distansya. (13) Mag-bus, jeepney o tren kung maari. (14) Kung hindi kaya mag-public transport, maki-carpool. (15) Magpalit sa kotseng tipid-gasolina.
(16) Patayin ang makina imbis na mag-idling. (17) Sunurin ang speed limit. (18) Planuhin, pagsunud-sunurin ang mga lakad. (19) Huwag i-overload ang sasakyan. (20) Sa on-line makipag-transaksyon imbis na bumiyahe.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending