'Pinoy Hackers'

Hindi na bago sa Bitag ang operasyon ng mga internet hacker sa Pilipinas. Taong 2007 ng madiskubre naming ang estilo ng sindikato na nasa likod ng International Simple Resale (ISR).

Gamit ang linya ng iba’t ibang kumpanya ng telepono, internet, mga converter at router, patagong kumikita ng milyun-milyong piso ang mga madudunong na kawatang ito.

Ang isr ay paglabag sa Republic Act No.8792 o Electronic Commerce Act of 2000 .

Ito ‘yung hindi otorisadong pagkabit sa isang communication system ng hindi nalalaman ng kumpanyang nagmamay-ari nito.

Ang intensiyon ay manira, mag-corrupt, palitan o nakawan ang isang kumpanya gamit ang computer at anumang communication device.

Dalawang linggo na ang nakakaraan ng maisama ang BITAG ng Computer Crimes Division ng Camp Crame sa pag-serve ng search warrant sa ilang kabahayan sa buong Metro Manila.

Ito’y upang pasukin ang mga pinagkukutahan ng mga Pinoy Hackers na kasabwat ng sindikatong nasa likod nang malawakang ISR simula Middle East, Italy at United States.

Mula sa imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation ng US at Italy, na-trace ang kinaroroonan ng Pinoy hackers dahil na rin sa reklamo ng kumpanyang AT&T.

Isang Pakistani umano ang pinaka-big boss sa iligal na gawain na ito. Siya ang nagre-recruit ng mga hacker sa iba’t ibang bansa partikular na ang Pilipinas. 

Binabayaran ng “boss” ang mga hackers sa bawat minutong makaka-konekta at mapupuno nilang tawag sa mga international revenue share premium numbers mula sa mga bansang Liechtenstein, Austria, Taiwan at Sierra Leone.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Director Samuel Pagdilao, espesyal na nire-recruit ng sindikato ang mga Pinoy hackers.

Hindi lamang dahil sa kanilang angking galing sa pangha-hack, kundi dahil nahihirapan ang mga otoridad na matunton ang mastermind ng sindikato.

Dahil dito pa lang daw sa Pilipinas, putol na ang link sa pagitan ng Pinoy hackers at sindikato sa ibang bansa.

Abangan sa BITAG ang buong aksiyon sa operas-yong ito!

Show comments