^

PSN Opinyon

'Impeach' be with you

- Al G. Pedroche -

NANG unang banatan ni Presidente Noynoy si Chief Jus­tice Renato Corona, napangiti na lang ang huli at sinasabing dahil Pasko naman, babati na lang siya sa Pangulo ng “peace” be with you.

Pero ang tugon pala sa kanya ng administrasyon ay “impeach” be with you. Wala sa protocol na banatan ng isang Pangulo ang namumuno sa isang co-equal branch ng gobyerno. Sa halip, idaan sa tamang proseso gaya ng impeachment kung inaakalang ang Punong Mahistrado ay mali ang ginagawa. Iyan ang nasabi ko sa aking column kamakailan.

Ngunit nauna na nga ang banat ni P-Noy na sinundan ng impeachment. Napagdududahan tuloy ang Pangulo na siya ang humimok sa mga kaalyado sa Kamara de Representante na magharap ng impeachment case laban sa pinuno ng Mataas na Hukuman.

Palaban itong si Corona na nagsilbing koronang tinik sa ulo ni P-Noy. Tahasang sinabi niya na hindi siya bababa sa puwesto at paninidigan niya ang kanilang mga desisyon  sa kaso na kasama sa mga grounds kung bakit siya ini-impeach. Aniya, handa niyang sagutin ang impeachment case ng mga kongresista laban sa kanya na kahapon ay isinampa na sa Senado na siya namang magsisilbing korteng hahatol kay Corona.

Kabuuang 188 congressmen ang lumagda sa impeachment na isinampa na sa Senado. Kaya ang kapalaran ni Corona ay nasa kamay na ng Senado.

Ang impeachment ay isang political game. Hindi ito base sa merito ng kaso laban sa opisyal na ibig patalsikin kundi base sa bilang ng mga kongresista na magpapasya kung dapat siyang ma-impeach o hindi.

Ang ugat ng kasong ito ay ang mga paborableng desisyon ng Korte Suprema sa mga mosyon ng dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na ngayo’y nakaratay sa Veterans Memorial Medical Center sa bisa ng house arrest dahil sa kasong election sabotage.

Kaso, na-kondisyon na ang utak ng mga Pilipino na sadyang nagkasala si Arroyo kaya tila ano man ang gawin ni P-Noy ay kumbinsido ang tao na ito’y sa kapakanan ng bansa.

Sabi nga mismo ng legal spokesman ni GMA na si Raul Lambino, kumbinsido na ang maraming mamamayan na nagkasala si Mrs. Arroyo at siya’y nahatulan na sa kanilang isip.

CHIEF JUS

GLORIA ARROYO

KORTE SUPREMA

MRS. ARROYO

P-NOY

PAMPANGA REP

PANGULO

PRESIDENTE NOYNOY

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with