^

PSN Opinyon

Tinig na sumisigaw sa ilang

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NOONG Huwebes (Disyembre 8) ay ipinagdiwang natin ang Imaculada Concepcion ng Mahal Birhen Maria, sinimulan ito noong ika 7-Siglo, kapistahan ng paglilihing walang bahid-dungis ng kasalanan ni Santa Ana. Pinagtibay ito ni Papa Clemente XI noong 1708 at ginawang patrona sa Pilipinas ni Papa Pio XII noong 1942. Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon at kay Mama Mary sapagkat Disyembre 8 ako naordinahan bilang pari ni Obispo ngayon ay Cardinal Jose T. Sanchez, 36 na taon na ang nakalilipas.

Darating ang Poong Diyos at tayo ay sasagipin. Ang kabuuan ng pahayag ni Propeta Isaias na ang tigang na lupa ay muling mananagana, muling sasaya, mamumulaklak ang ilang, aawit ito sa tuwa, muling gaganda ang mga bundok at mamumunga ng sagana. Huwag tayong matakot, lakasan ang loob sapagkat darating ang Panginoong Diyos. Anumang pagsubok sa ating buhay ay may katapusan. “Halina, Panginoong Diyos upang kami ay matubos.”

Maging si Apostol Santiago ay humihimok sa atin: “Tibayan ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon”. Ang pagtitiyaga ay isang malaking pag-asa sa ating buhay. Tularan natin ang mga magsasaka na buong tiyagang hinihintay ang mahalagang bunga ng bukirin. Bawat patak ng ulan ang nagpapatibay ng tiyaga ng bawat halaman. Tularan natin ang mga halaman, tibayan natin ang ating loob sapagkat malapit na ang pagdating ng Panginoon.

Si Juan Bautista kahima’t nasa loob siya ng bilangguan ay hindi nawalan ng tiyaga at pag-asa. Nakibalita siya sa kanyang mga alagad upang tanungin si Hesus kung Siya na ang ipinangakong paririto o maghihintay pa ng iba. Hindi nagmalaki si Hesus sa mga alagad ni Juan manapa’y sinabi Niya: “Bu­ma-       ­lik kayo … sabihin sa kan­ya ang inyong narinig at nakita: Na­ka­kita ang mga bulag, nakalakad ang mga pilay, gumaling ang mga ketongin, nakarinig ang mga bingi, muling nabuhay ang mga patay at ipinangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”

Tularan natin si Juan na naging sugo ni Hesus. Paghandaan natin ang daraanan ng Panginoon. Alisin natin ang mga sagabal sa ating paghahanda, ang ating mga kasalanan. Malapit na ang kaarawan ng Mananakop. Hinihintay na Niya ang ating regalo: Magsisi sa kasalanan at ayusin ang mabuting buhay. Humingi na tayo sa Kanya ng kapatawaran.

Isaias 61:1-2a, 10-11; Salmo:Lk 1 at Isaias 61; 1Tesalonica 5:16-24 at Jn 1:6-8, 19-28

APOSTOL SANTIAGO

CARDINAL JOSE T

DISYEMBRE

HESUS

IMACULADA CONCEPCION

PANGINOON

PANGINOONG DIYOS

TULARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with