Iligal na droga walang pinipiling lahi
APAT na kababayan na natin ang binitay sa China dahil sa pagpupuslit ng iligal na droga.
Marami ring mga dayuhan, pati mga Chinese nationals ang nahulihan ng iligal na droga sa ating bansa.
Ang mga nahuhuli sa kanila ay pinabibitay ng pamahalaan nila, ang mga nahuhuli rito sa atin, habambuhay na pagkabilanggo. Para sa akin, dapat bitayin din ang mga ito.
Walang pinipiling lahi na mabibiktima ang mga taong sangkot sa iligal na droga. Ang mga drug lord ay walang pakialam kahit na anong nasyonalidad ng mga gumagamit nito. Wala silang paki kung masira ang kinabukasan ng mga bata. Importante lamang sa kanila at mga kasabwat nilang mga nasa katungkulan ay kumita nang malaking halaga.
Kailangang magkaisa ang lahat laban dito. Malaking kalokohan ang pinaggagawa ng migrante at ilang grupong sinisisi pa ang gobyerno dahil hindi raw naisalba ang buhay ng mga drug mule. Sana lang hindi mga anak nila o apo nila ang gumamit ng iligal na droga.
Sana rin ang pamahalaan huwag nang mag-aksaya ng oras at panahon upang sikaping tulungan ang sinumang sangkot sa iligal na droga. Pabayaan natin silang bitayin para magsilbing panakot sa iba.
* * *
Nilipat na noong Biyernes si Madam Senyora Donya Gloria sa Veterans Memorial Medical Center kung saan siya’y under hospital arrest.
Hindi rin siya papayagang magkaroon ng cell phone at laptop gaya ng request ng magagaling niyang abogado sa katauhan ni Atty. Raul Lambino at Atty. Ferdie “Mancao” Topacio.
Bagama’t lagi kong tinutuligsa si Madam Gloria at nakakalungkot din dahil dalawang dating presidente ang nakulong dahil sa corruption. Sana lang magsilbing aral at wala nang pinuno ang susunod.
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending