KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa pag-obserba sa International Human Rights Day (IHRD) ngayong araw na ito. Ang okasyon ay pagpupugay sa pag-adopt at pagproklama ng United Nations General Assembly noong Disyembre 10, 1948 sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR) bilang pagkilala ng mga pamahalaan sa buong mundo sa kanilang responsibilidad na irespeto ang karapatan ng bawat tao.
Inilatag ng UN ang komprehensibong kalipunan ng mga karapatan ng bawat mamamayan na sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng kanyang pamumuhay tulad ng pulitika, kultura, relihiyon, edukasyon, paggawa, pagpapahayag ng damdamin, serbisyong panlipunan at iba pa.
Ayon kay Jinggoy, ang mataas na pagpapahalaga sa karapatang pantao ay itinatadhana ng mismong Konstitusyon ng ating bansa partikular sa Section 11, Article II (the State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights…) at sa Section 1, Article XIII (Congress shall give priority to the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people…). Pero sa kabila aniya nito ay laganap pa rin ang mga insidente ng “human rights violation.”
Kaugnay nito, isinusulong niya ang mga lehislasyon para sa “human rights promotion.” Isa rito ang Senate Bill No. 2475 o pagtatatag at operasyonalisasyon ng “Human Rights (HR) Resource Center” sa mga barangay sa bansa. Alinsunod sa panukala, ang HR Resource Centers ay magpapatupad ng mga programa para sa karapatang pantao sa usapin ng criminal justice system, local governance at local law enforcement; magmo-monitor sa mga pambansa at pandaigdigang batas at kasunduan sa karapatang pantao; at magtitiyak na sumusunod dito ang mga otoridad sa antas ng barangay, bayan at lalawigan na nasa hurisdisyon ng bawat Center.
* * *
Happy birthday kay Valenzuela Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo (December 11) at Ka Renato Magtubo ng Sanlakas-Partido ng Manggagawa (December 12).