^

PSN Opinyon

Editoryal - Hayaang gumulong ang batas

-

NASA Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na si dating President Gloria Macapagal-Arroyo. Inilipat siya kahapon mula St. Luke’s Medical Center, Taguig. Bago tuluyang nailipat ay marami munang naging alingasngas ukol sa mode of transportation na gagamitin patungong VMMC. Gusto ni Interior secretary Jesse Robredo ay sa helicopter isakay si Mrs. Arroyo pero tinutulan ang balak. Mas gusto ni Mrs. Arroyo ay sasakyan by land. Tutol sila na mag-helicopter dahil masama ang panahon kahapon dahil sa walang tigil na pag-ulan. Nagkasundo rin dakong alas tres ng hapon ang magkabilang panig at naialis sa St. Luke’s si Mrs. Arroyo dakong 3:30 ng hapon sakay ng isang white coaster.

Ang presidential suite ni Mrs. Arroyo sa VMMC ay yung ding minsan ay tinirahan ni Erap noong nililitis ito sa pandarambong noong 2001. Uma­no’y may sukat na 150 square meters ang kuwarto at kumpleto sa gamit. Ang kaibahan lamang ni Mrs. Arroyo kay Erap, kasong electoral sabotage ang isinampa sa kanya. Wala ring bail ang kaso katulad ng kaso ni Estrada. Nakulong si Estrada nang anim na taon bago pinalaya ni Mrs. Arroyo rin mismo. Ngayong si President Noynoy Aquino ang nasa poder, walang makapagsabi kung ipa-pardon niya si Mrs. Arroyo.

Malayo pa ang tatakbuhin ng kaso ni Mrs. Arro­yo. Marami pang araw, buwan o taon marahil ang bibilangin. Pero ang isang maganda ay nana-naig sa bansang ito ang tinatadhana ng batas. Kahit na dating presidente ang inakusahan, nakita na pilit siyang pinananagot sa kasalanan. Katulad din ng nangyari kay Estrada na nagdusa habang nakapiit (house arrest) sa kanyang resthouse sa Tanay, maaaring ganito rin ang mangyari kay Mrs. Arroyo.

Ngayong nasa VMMC na si Mrs. Arroyo, ma­kabubuting tigilan na ang mga kung anong usap-usapan na pinahihirapan siya ng kasaluku-yang administrasyon. Sagutin na lang ang lahat ng paratang at patunayan kung wala nga bang kasalanan. Ngayon makikita kung sino ang nagsasabi ng totoo. Hayaang gumulong ang batas. Sa paraang ito lalabas ang katotohanan.

vuukle comment

ARROYO

ERAP

JESSE ROBREDO

MEDICAL CENTER

MRS

MRS. ARRO

MRS. ARROYO

NGAYONG

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with