“SORRY, ha,” anang lapis.
Bakit ka nagso-sorry, wala ka namang ginawang masama?” sagot ng eraser.
Hiyang-hiya na ang lapis: “Sorry talaga. Lagi kang nasasaktan dahil sa akin. Tuwing nagkakamali ako, nariyan ka palagi para magbura. Pero sa pagbubura ng mga mali ko, nababawasan ka. Lumiliit, nauupud ka sa bawat mali ko.”
Pasensiyoso ang eraser: “Totoo nga ‘yon. Pero okay lang sa akin. Kasi, di ba, ginawa ako para magbura. Nilikha ako para tulungan ka, tuwing meron kang nagawang pagkakamali. Miski na balang araw, alam ko, mauubos din ako at papalitan mo ako ng bago, masaya pa rin ako sa tungkulin ko. Kaya huwag ka nang mag-alala; ayokong nakikita kang malungkot.”
Umiikot sa Internet ang nakaka-inspirang pag-uusap na ‘yan ng lapis at eraser. Ihinambing ng isang kaibi-gang pilosopo ang kuwento sa pamilya. Ang mga magulang umano’y parang eraser, at ang mga anak ang lapis. Nariyan parati ang mga magulang para sa kanilang mga anak, nililinis ang kanilang mga mali. Kung minsan habang nangyayari ito, nasasaktan ang magulang, nauupos, tumatanda, at kalauna’y sumasa-kabilang-buhay. Miski makahanap ang anak ng kapalit sa kanila, nag-asawa, masaya pa rin ang magulang sa ginagawa para sa kanila. At hindi nila matitiis na makitang nag-aalala at malungkot ang anak.
Habang tayo’y tumatanda, mainam siguro na taun-taon ay repasuhin kung mas malimit tayo maging lapis sa ating mga gulang.
Pinag-poproblema ba natin sila? Pinapuputi ang buhok, pinakukulubot ang noo, kinukuba sa pag-aalala? Huwag sana.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com