^

PSN Opinyon

'Parking'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

 TAONG 2009 nang mabahala ang lokal na pamahalaan ng Pasig dahil sa mataas na istatistika ng mga kinakarnap na motorsiklo sa mga open space pay parking sa Ortigas.

Maging ang mga alagad ng batas at barangay na nakakasakop sa financial district na ito, naalarma dahil buwan-buwan, apat ang inire-report na kinakarnap na motorsiklo.

Magtatapos na ang taong 2011, patuloy pa rin ang pag­ taas ng bilang ng mga nabibiktima.

Hindi lamang naitatala ang reklamo ng mga nagmamay-ari ng motorsiklong kinakarnap. Ang mga dahilan, pinipilit na lamang nilang makipag-transaksiyon sa par-king management ng mga guwardiyadong paradahan.

Sa kaso ng mga empleyado ng Sofitel Philippine Plaza na lumapit sa BITAG. Hindi pinahalagahan ng nasabing hotel ang kanilang reklamo.

Ang sumbong ng dalawang empleyadong personal na nagtungo sa aming tanggapan, apat silang nawalan ng motorsiklo sa loob mismo ng parking lot ng hotel na mina-manage ng Metro Parking.

Dalawa lamang silang naglakas-loob dahil sa takot ng iba na mawalan ng trabaho. Ang isa, taong 2009 pa nawala ang kanyang motorsiklo.

Wala daw nagawa ang Metro Parking, ni ipa-blotter man lang ito sa pulisya. Ang ikalawang biktima, isang taon na ang nakalipas ng karnapin ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa loob ng parking lot ng Sofitel.

Halos isang taon din daw siyang pinaasa ng Chief Security ng Metro Parking na ibabalik ang kanyang motor sa pamamagitan ng insurance.

 Sa kabila ng matagal na paghihintay, saka siya sinabihang hindi mapapalitan ang kinarnap niyang motor dahil hindi raw siya bayad sa parking.

Ayon sa hepe ng Anti-Carnapping Division ng Pasay City Police, obvious na kinarnap ang motorsiklo ng ikalawang biktima dahil hawak nito ang stub na ibinibigay sa kanya bago pumarada at ibinabalik naman sa security kapag lalabas na siya ng parking lot.

Ayon pa sa Pasay ANCAR, hindi sila nakakatanggap ng report mula sa pamunuan ng Sofitel o ng Metro Parking na may kinakarnap na motor sa loob ng kanilang parking lot. Responsibilidad daw nila ito bilang mga namamahala sa kanilang pay parking lot.

Ang problema, alam kasi ng mga sindikatong nasa likod ng pangangarnap ng motor na walang magagawa ang mga biktima. Dahil walang batas na mag-oobliga sa mga pay par-king management na managot sa mga kasong tulad nito.

Kaya naman isang kongre­sista ang nagkainteres sa mga kaso ng karnaping ng motorsiklo sa loob ng mga pay parking na naipalabas sa BITAG.

Isang panukalang batas ang ipinalabas ni Buhay Party List Rep. Irwin Tieng, ang House Bill 2047 (Parking Liabi-lity Act) na maging responsable sa mga kasong ito.

Sa kaso ng mga empleyadong nagrereklamo sa BITAG, makailang beses naming sinubukang kunin ang pahayag ng Sofitel, maging ng Metro Parking subalit tumanggi ang mga ito.

Isang text message lamang mula sa management ng Sofitel ang natanggap ng BITAG na ganito ang nilalaman: “the only incident we have of a motorcycle gone missing was in April 2010. Our employee had not secured his bike and it was taken easily. Beyond that we have no record of motorcycle theft in the past 2 years.”

Ibig sabihin,kasalanan pa ng kanilang empleyado kung bakit nawala ang motorsiklo sa guwardiyadong parking lot ng Sofitel.

ANTI-CARNAPPING DIVISION

AYON

BUHAY PARTY LIST REP

CHIEF SECURITY

HOUSE BILL

METRO PARKING

MOTORSIKLO

PARKING

SOFITEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with