NAPANGANGA ang mga nakapanood sa live coverage ng magtalumpati si P. Noy sa National Justice Summit dahil dehins biro ang madlang people sa loob ng pinagtanggalan lugar este mali pinagtanghalan pala.
Walang kaabug-abog na binanatan harapan ni P. Noy si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa harapan ng napakaraming bisita kaya naman halos lahat ay natulala sa ginawa ng panggulo este mali pangulo pala.
Hindi napigilan si P. Noy sa kanyang speech ng tirahin nito si Corona regarding sa pagbuko este pagbuo pala ng Truth Commission.
Pasaring ni P. Noy kay Corona, kung hindi kinontrata este kinontra pala ng Supreme Court ang Truth Commission di sana ngayon ay sangkaterba na ang iniiskobo dahil sa mga katiwalian nilang ginawa noon nasa kapangyarihan pa ang ilang mga tirador sa gobierno at panagutin ang mga nasa likod nito.
Ang layunin ng Truth Commission ay itama ang mali ng nakaraan administration sa lalong madaling panahon.
Alam ni P. Noy labag daw ito sa konstitusyon birada ng SC.
Sabi nga, unang banat pa lang may barricade agad!
Napakaraming sama ng loob ang inilabas ni P. Noy na ipinarinig ng malakas kay CJ Corona kaya naman ang madlang people na nakarinig, nakapanood at nakabasa ay napatunganga.
Sabi nga, walang humpay na tsismis ang nangyari sa mata ng madlang people sa Philippines my Philippines.
Ang electoral sabotage laban kay Gloria ay binanggit din ni P. Noy echetera, echetera.
Birada ni P. Noy lahat ng proseso ay sinunod ng bataan niya pero ang kinalabasan sila pa ang kontrabida.
Bakit?
Sagot- itanong ninyo sa madlang people.
Ang hangarin lang daw ng P. Noy administration ay ang panagutin sa butas este mali batas pala ang mga nangulimbat, nandaya, nanloko sa madlang publiko.
Hindi lang masabi ng diretsahan ni P. Noy sa madlang people ng Philippines my Philippines na dahil batang sarado ni Gloria si Corona kaya ito ang hinirang na CJ.
Naku ha!
Isang pang banat ni P. Noy ay ang nangyaring pagbuo o karagdagan distrito sa Camarines Sur para maipasok bilang kinatawan ng nasabing province ang anak ni Gloria na si Datu.
Sabi ni P. Noy dehins niya lubos maisip kung bakit nagkaganito ang desisyon ng SC tungkol sa paggawa ng mga distrito sa Kongreso.
Sa Article 6, Section 5 ng The Philippines my Philippines Constitution, kinakailangang mas higit sa 250,000 ang madlang people sa bawat district.
Sabi ni P. Noy, ang problema: may mga hindi nakakaabot sa bilang na ito, tulad na lamang ng isang distrito sa Camarines Sur na may mahigit 176,000 lamang ang population.
'Sangdamakmak pa ang mga banat ni P. Noy kay CJ Corona pero kapos ang kolum ng Chief Kuwago,' sabi ng kuwagong mapangahas.
'Hindi bale nabasa, narinig at nabalitaan naman ng madlang people ng apihin ni P. Noy si Corona sa nasabing okasyon' sabi ng kuwagong urot.
'Ano ba ang mabuting gawin para dito?'
'Kamote, ikaw ang mag-isip'.
Abangan.