^

PSN Opinyon

Mga raket ngayong Pasko

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MALAMIG na ang simoy ng hangin at foggy ang kapaligiran, tanda ito na malapit na ang Pasko mga suki! Kaya kanya-kanyang raket na ngayon ang ilang kababayan sa lansangan. Kasi nga ito ang pinakamadaling pagkakakitaan ng mga tamad. Dito lamang sa Metro Manila namumutiktik ang mga pulubi na nanghihingi ng limos sa mga lansangan na kadalasan ay gamit pa ang mga musmos na kabataan. Nasaan ang DSWD na kakalinga sa kanila? Nariyan din ang mga Estribo Gang na nangunguyapit sa mga sasakyan ng mga balikbayan na pangkaraniwan ng tanawin sa Ninoy Aquino Avenue at MIA Road sa Pasay at Parañaque City. Dagdag pa riyan ang nakasisindak na punas wind shield boys sa may entersection ng Coastal Road at Roxas Blvd., sa Parañaque City. Hindi natin sila masisi dahil umaamot lamang sila ng konting barya upang mairaos ang kumakalam nilang sikmura. Maging ang mga kalye ngayon ay pinaghaharian na rin ng goons dahil bukod sa ticket ng barangay sa mga parking slots obligado rin kayong magbayad sa mga pukpok/senyas boys.

Tumaas na rin ang kotongan at lagayan sa mga traffic enforcer at MMDA constables kung kaya laglag balikat ang mga kaawa-awang drayber at operators. Ang masakit hindi naman naibsan ang trapik sa mga lansangan dahil ang pinagtutuunan ng pansin ng mga tauhan ni MMDA chairman Francis Tolentino ay yung mga drayber na nalilito sa kalye. At maging ang Philippine National Police-Highway Patrol Group pala ay gumigimik din ngayon sa mga lalawigan. Ang kanilang puntirya ay yung mga delivery truck na naglululan ng mga kargamento. Sa halip kasi na bantayan nila ang mga abusadong drayber na nag-oover speed sa mga highway at magmatyag sa mga hijackers, aba’y mas pinagtutuunan nila ngayon ng pansin ang pagsita sa mga delivery truck.

Katulad na lamang sa sumbong sa akin, na diyan pala sa Pan-Phillipines Highway o Maharlika Highways sa pagitan ng Gapan at Cabanatuan, Nueva Ecija ay may mga tauhan si HPG chief Chief Supt. Leonardo Espina na nanggigipit at nangungotong sa mga drayber. Kabilang si Gerbacio Eclom­bingo sa pitong truck drayber na pinigil sa HPG checkpoint. Nerikisa umano ng isang Cabe Gitas ang buong sasakyan at nang makitang hardware material ang laman ng truck aba’y, agad na hinanap ang resibo nito. Ipinakita naman ang delivery receipt subalit hindi nakuntento itong si Gitas kung kaya napilitang tumawag si Gerbacio sa kanyang amo sa Valenzuela City. Tumangging kausapin ni Gitas sa cell phone ang amo ni Gerbacio. Ang masakit mukhang nag-aantay ng latag na datung si Gitas kung kaya inabot ng ilang oras na naantala ang biyahe ni Gerbacio. Sa kalaunan ng matiyak ni Gitas na wala talagang maisukang datung si Gerbacio binakbak nito ang plaka ng truck at tinikitan ng TVR sa kasong colorum.

General Espina Sir, pakisaltik nga ang ulo nitong tauhan mong si Gatis nang magising. Paano naging colorum ang isang truck na pag-aari ng hardware. Calling PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome sir, ito ba ang karapatdapat na “Pulis ako, Pulis nyo Po” sa iyong bakuran? Abangan!

CABE GITAS

CHIEF SUPT

COASTAL ROAD

ESPINA SIR

ESTRIBO GANG

FRANCIS TOLENTINO

GERBACIO

GITAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with