^

PSN Opinyon

Bad judgment

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG depensa ng iba, he has the right. Ang sagot diyan ay ito: He has the choice. Ang tinutukoy ko ay ang harapan at hayagang panghihiya na ginawa ng ating presidente sa pinuno ng CO-EQUAL branch ng pamahalaan, si Chief Justice Rene Corona.

Kung kailan nagtagpo ang tatlong malaking sangay ng pamahalaan at sa isang event na pagkakaisa at koope­rasyon pa man din ang tema, at saka pa nakaisip si P-Noy na magpakita ng totoong kulay.

Kung mayroon mang natuwa sa kanyang inasal, mas marami ang nabigla. No, hindi ang atake sa Hudikatura ang ikinagulat dahil tanda naman ng malusog na demo­krasya ang tensiyon sa pagitan ng tatlong malaking sa­ngay ng gobyerno. Hindi rin pinagdadamot kay P-Noy ang pagsapubliko ng kanyang saloobin. May karapatan siyang sabihin ito. Ang hindi ma-spelling ng lahat ay kung bakit niya naisipan itong gawin habang andun at nakikinig sa kanyang talumpati ang panauhin niyang Chief Justice. Yes, panauhin niya si Corona dahil ang summit ay organisado ng kanyang kagawaran ng katarungan sa pamamahala ni Sec. Leila de Lima.

Ang sabi ni Supreme Court spokesman Justice Midas Marquez, para na ring hiniya ng presidente ang buong hudikatura. Tama siya. Pero gaya ng sinabi ng kanyang boss, relax lang Midas. Dahil hindi n’yo dapat ikatakot na ito ay ikakasira ng hudikatura. Sa totoo lang, mas lumaki pa ang mga huwes sa estimasyon ng madla dala ng mahinahon na pagtanggap ni CJ sa pagtuya.

Hindi rin ito ikasisira ng sistema kaya’t huwag din maba-

hala ang mga natatakot sa const­i­tutional crisis. Pinapatunayan nga nito na kaya nga sa putak dinadaan ni P-Noy ay dahil tali ang kamay niya sa sistema.

Ang lumalabas na talo rito ay si P-Noy. Maari sana siyang manahimik muna at sa ibang venue ituloy ang pambira sa Mataas na Hukuman tulad ng nauna na niyang ginawa sa Makati Business Club. Subalit hindi ito ang piniling gawin. Wrong choice. Para tuloy siyang pikon. Hindi matanggap ang pagpasiya ng hukuman. At kapag hindi makuha ang gusto, dadaanin na lang sa lakas at laki. May mas masahol pa bang wangwang sa ganitong pang-abuso ng kapangyarihan? Buti na lang at hindi naging huwes si P-Noy dahil ang kabanatang ito ay patunay lang ng kanyang bad judgment.

BUTI

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE RENE CORONA

DAHIL

HUDIKATURA

JUSTICE MIDAS MARQUEZ

MAKATI BUSINESS CLUB

P-NOY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with