^

PSN Opinyon

Congrats DDGM VW Biong Garing

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TAGUMPAY ang Christmas party celebration ng mga brethren sa Free and Accepted Masons of the Philppines NCR - E, yesterday.

Saksakan ng dami ang tsibog at inumin kaya naman lahat ng umattend ay masayang nagsi-uwi.

Sabi nga, salamat VW Biong Garing!

Parusahan ang nagkasala

DAPAT dalain at sampolan ang mga ospital na nani­ningil sa mga nurses na kumukuha ng experience para makapag-trabaho sa aboard este mali abroad pala.

Kailangan sa mga ito na sampahan sila ng kasong syndicated estafa dahil sa dami ng mga nilinlang nilang mga nurse.

Mapa-private o public hospital dapat silang managot sa batas kaya naman kailangan magmulta ang mga kamote ng malaking pera para magtanda na mali ang kanilang ginagawa.

Sabi nga, pahirap at para makaganti ikulong.

Hindi kaila sa mga parental guidance ng mga nursing student kung gaano kalaki ang ibinabayad nila sa tuition fee na kanilang mga anak na kumukuha ng kursong nursing para lamang makapagtapos ng pag-aaral at makapag-trabaho ng marangal at may dignidad.

Ang masama naman ay naisip ng mga kamote na gumawa ng malaking pera kaya naman sinasamantala ng mga ito ang pobre na pagbayarin ng malaking halaga ng salapi para lamang makapag-training at mabigyan sila ng 'certificate' na sila ay experience nurses.

Ika nga, bagong racket!

Imbes na ang mga nurse na ito ang suelduhan ng mga ospital na kanilang pinasukan sila pa ang sinisingil.

Sana magising ang government of the Philippines my Philippines na tulungan at patawang ng parusa tulad ng pag-bitin patiwarik sa mga kamoteng nagpapahirap ng ating mga newly graduate nurses.

Abangan.

PHL mapapahiya sa China

KUNG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin tungkol sa pinoy na bibitayin sa China dahil sa paglabag nito sa ipinaiiral na batas doon siguro hindi na ito dapat pang bigyan ng importansiya ng gobierno ng Philippines my Philippines.

Kung totoong pusher o sangkot  sa drug trafficking ang pinoy na bibitayin sa China.

Kaya tama si Senator Tito Sotto sa kanyang opinion.

Malaking kahihiyan sa Philippines my Philippines ang ginawang pagbitbit ng droga na pinoy na bibitayin kahit naawa ang madlang people sa mangyayari dito ay alaws tayong magagawa dahil may sariling batas ang China na dapat nilang ipatupad.

Sabi nga, mahigpit ang batas sa kanila regarding sa droga.

Tiyak kahit ang gobierno ng Philippines my Philippines ay alaws magagawa sa ibinabang hatol ng China court.

Ika nga, death!

Remember may mga binitay na rin pinoy na hinabol ng gobierno ng Philippines my Philippines kamakailan.

'Ano ang nangyari sa apela ng gobierno?' Tanong ng kuwagong kamoteng pusher.

'Ayon 6 feet below the ground na ang mga sinasabing drug mule'.

'Ano ang mainam gawin?'

'Panalangin natin'.

Sabi nga, amen!

ANO

BIONG GARING

IKA

LEFT

PHILIPPINES

SABI

SENATOR TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with